Kaya naman ng matapos kaming mag ayos na dalawa ay inayos na namin ang gamit ni Snow. Sabay kaming dalawang bumaba dala dala ang bag na pink at dumiretso kami sa kusina. Narinig agad namin ang hagikgik ni Snow at maingay nitong bunganga. "Sabaw kanin lang ako!" malakas na sigaw nito. "Ayaw mo ng baboy?" tanong ni Mommy dito. Nang makapasok kaming dalawa ni Davin ay agad kami dumiretso kay Mommy. Wala si Tito at Tita kaya kami lang nanditong anim nila Carter. Lumapit ako kay Carter para halikan ito sa pisnge at ganon din si Yeng na kumakain ng sampaloc habang si Carter naman ay mukang inis na inis pero walang magawa dahil sa nag lilihing asawa. "Anong gusto mo anak?" tanong ni Mommy sakin. Pinag hila ako ni Davin ng upuan sa tabi ni Snow at sya naman ay sa kabila ni Snow. Inabutan ni M