Akala ko nasanay na ko, hindi pa rin pala. Masakit parin talaga at lalong lumalala. Gusto ko na lang mamanhid at umakto ng walang pakielam. Gusto kong lumayo, pero hindi ko naman kayang hindi sya nakikita. Gusto kong gumawa ng isang way na maaring makapag iwas sa kanya sakin. Pero ako lang din naman ang masasaktan. Lahat ng desisyon ko ay ako lang din ang masasaktan. Paano ko ba sya mapapahulog sakin. Paano ko sya mapapatino. Hindi. Hindi s'ya titino sa akin dahil ako 'to. Ako lang ang babaeng kabaligtaran ng gusto n'ya. Kaya paanong ako? Bakit ba iniisip ko pa na mapapatino ko s'ya? Siguro katulad ko. Karamihan din sa babae ay gusto s'yang mapatino. "Davin may i ask you?" "Go." Pinatong nya ang baba nya sa balikat ko. "What if na fall ka sa babaeng panget? Yung kabaligtaran ng idea