Pinunasan ko ang luha ko. Wala si Carter ngayon dahil namalagi ito sa China at don ituloy ang pag aaral. Wala na kong kasama dito kundi ako, ako lang mag isa. Kahit si Carter sinukuan ako sa sobrang pagiging tanga ko. Hindi ko na sinasamahan sila Raven dahil sa nang yayari sa akin. Lahat sinukuan ako kahit si Davin. Kahit si Davin na maasahan ko. Ayoko sabihin kay Mommy ang nang yayari. Ayokong mag aalala pa s'ya sa akin. Pumunta ako sa girls room at saka nag hilamos. Tinignan ko ang sarili sa salamin, sobrang hanggard ko, sobrang pangit ko. Pano ako magugustuhan nito ni Davin? Pero patuloy na dumadaan ang araw ay napapadalas ang takbuhan namin ni Davin. Talagang iniiwasan nya ko, ilang beses na ko sinabihan ni Diana pero di ko sya pinansin. Hindi