Isang linggo akong hindi lumabas sa bahay at pinilit na inaalis sa isipan ang nang yare samin ni Davin. Hindi ko alam kung paano ako nakaalis noong araw na 'yon, sobrang sakit. Parang kahapon ang sakit na 'yon. Tanggap ko na, tanggap ko na na hindi mawawala ang pag mamahal ko kay Davin. Sobrang hirap kalimutan ang tao na nanakit sa'yo, sobrang hirap pagaling ang pusong sugatan, sobrang hirap. Dalawang araw ako umiiyak sa kwarto at di man kumain. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako matawagan ng kahit sino. Umuwi si Mommy ng ikatlong araw dahil siguro nag sumbong si Carter sa nang yayare. Napalabas ako ng kwarto ko at pumunta sa studio para lamang mag painting pero hindi ko masimulan dahil nabla blanko ang utak ko. Hindi ako makapag simula sa bagong painting ko dahil sa nang yayari