Mabilis kong hinilot ang leeg ko at saka tumingin sa kay Carter na ngayon ay nag papaliwanag tungkol sa maaring i transfer na mga furnitures sa China gamit ang barko ng Ong. Ako ang mamahala non, at kaya ako nandito para pag usapan 'yon. Pero ang nakakainis ay natutulog ako pero agad akong binuhat ni Yang papunta sa CR para maligo. Sinong hindi maiinis?! Anong oras na kami nakauwi kagabi dahil sa party na 'yon, inabot ng ilang million ang bawat painting ko at talagang desidido makuha ng mga Alvarez ang mga gawa ko. Kahit si Davin ay hindi nag patalo don. Nakuha nya ang tatlong painting na pinaka gusto ko. Lumapit sya sakin para kunin 'yon, hinalikan nya ko sa pisnge sa harapan ng mga tao at nag karoon pa ng picture. Ganon din si Raj at Saimon, puro ganon ang nang yayare. Si Rie