"Zia, wake up. Sasama ka ba kay Markey sa pag alis?" Dahan dahan kong binukas ang mata ko. Niyakap ko ang unan at saka umupo. Tumingin ako kay Tita Malice na naka dress na black habang nakalugay ang mahabang buhok nito. Sa kanya ko siguro namana ang magandang buhok ko dahil parehong pareho kami. Hindi ko nga alam kung sino mas bata saming dalawa. Kahit may ka edaran na ay muka palang nasa 20's tapos ang ganda ganda nya pa. "Sasama ka ba? Hinihintay ka ng pinsan mo sa baba." "Ang aga pa, Tita." inaantok na sabi ko. "Akala ko ba lilibutin nyo yung Beijing pero bakit nandyan ka? Tapos nag aaya ka pa daw sa Shanghai." "Opo. Mag aayos na ko." Hinalikan nya ko sa noo at saka hinila pababa. Wala na kong nagawa kundi pumunta ng CR. Bukas ay pasko na, sobrang lamig at