Lahat kami ay yumuko ng kaunti dito at nangibabaw ang tawa nito. Hindi ko din maiwasan kuhanan ito ng litrato dahil sa ganda ng batang ito. Kamuka talaga sya ni Sakenah pero mas maganda parin si Snow kay Sakenah. "Sakenah,kamukang kamuka mo talaga si Snow. Pero mas maganda si Snow." sabi ko sa kanya. Kay Yang ako sumabay papunta sa reception. Inisa isa ko pa ang litrato ni Snow na iba't ibang post at hindi ko maiwasan ipost 'yon sa f*******: at itag kay Simon. "Your Little Queen is so cute. Where's the big Queen?" Maraming nag like non at saring saring comment. Inayos ko ang buhok ko at pinost ko ang picture namin ni Yang. "I miss my Chinese Bestfriend." Dalawang picture 'yon sunod naman ay noong nasa hotel kami nila Riella kasama sila Sakenah