Chapter 2

2818 Words
"Ang anak ko tapos na ng highschool." "Mommy!" Natawa lang sakin si Mommy habang inaayos ang aking puting toga. Ngumiti ako sa kan'ya at saka sumakay kami sa taxi na kanina pa naghihintay sa harapan namin. Sumakay kami don at nagsimula na umandar. Pinikit ko ang aking mga mata. Ito na ang huling araw na ko sa public school dahil sa darating na pasukan ay sa Star University na ko. Kung san madalas ko ng makikita ang taong pinakaiiwasan ko. Ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko, ang taong nag bibigay ng kuryente sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko sya patutunguhan kung sakaling mag tagpo muli ang landas namin. Para bang nararamdaman ko ang kamay saking pang upo noong hinawakan nya 'to. Hindi ako makapaniwala na hahawakan n'ya yon at gagawing biro kahit nakakabastos na. "Anak, tanong ng tanong si Mrs. Alvarez bakit hindi ka nag pupunta sa kanila? Akala daw ba nya gusto mo matuto pag tanim at mag alaga ng mga rosas?" "Mommy, hindi na ko pupunta don." "Oo na sige." Tumingin ako sa kanya na ngayon ay hawak hawak ang kanyang cellphone. Napangiti ako dahil puro litrato ko lang naman noong bata ako ang tinitignan nya. Nang makarating kami don ay saka ko suot ang glasses ko kahit may make up ako. Nauna akong pumasok pero agad akong hinabol ni Mommy papasok habang dala dala ang toga hat ko. Tumingin ako sa mga sa ka schoolmate ko na kasama ang kanilang mommy at daddy habang ako naman ay mommy ko lang. "Anak may contact lens kang suot. Alisin mo na ang salamin." mabilis akong umiling sa kanya at naunang pumunta sa pila. Alas singko palang ng hapon pero mataas parin ang araw. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. Nakita ko ang mga mag kakaibigan na panay ang kuha ng picture kasama ang mga sarili nila. Iniwas ko ang tingin sa kanila at saka tumingin nalang sa entrance. I never had friends. Kakaibiganin lang kasi ako para mangopya sila o hindi man para lang tulungan ko sila sa kanilang mga projects or assingments. Hindi ako tanga para hindi maramdaman 'yon. Even i'm nerd, i'm not noob or coward. I can protect myself from them and i don't need fake friends to makes myself happy. "Anak, wala ka bang kaibigan?" "Muka ba, My?" umirap ako sa kanya. "Hooy! Mama nandito si Flat!" napatingin ako sa nag salita at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Davin kasama ang kanyang Mama kasama si Diana na may dalang chocolate. Nag tilian ang mga babae sa malapit samin at saka umiling ako. Inayos ko ang salamin ko at saka pinag masdan ang lakad nya. Nakasuot sya ng isang White vneck shirt at bakat na bakat ang kanyang makisig na katawan at isang pants na itim. Umirap ako sa kanya at saka tumingin kay Mrs. Alvarez. Lumapit ako dito para halikan sa pisnge bilang respeto. Lumapit sakin si Diana para halikan din ako pero pag dating kay Davin ay tumalikod ako. "Ang gwapo!" Rinig kong sigaw ng schoolmates ko. "Letricezia, may gwapo ka palang kilala?" tanong ng babaeng kasunod ko sa pila. "I don't know him." malamig na sagot ko sa kanya. "Pa english english pa hindi naman kagandahan!" she rolled her eyes. "Inggit? Bakit di ka gumaya?" i rolled my eyes also and tumingin ako sa stage. "Hooy, ba't ako hindi mo hinalikan sa pisnge?" Biglang pumunta si Davin sa harapan ko na nakangisi. Umirap ako sa kanya at saka inalis ang tingin dito. Ayan nanaman, nag wawala nanaman ang puso ko at para bang may nag wawalang kulisap sa tiyan ko. "Hooy, hindi mo ba ko papansinin?" "Ano ba Davin?" ngumisi lang sya at nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan sa pisnge. Ilang minuto akong natulala bago ko syang sapakin. Wala naman syang ginawa kundi tumawa ng tumawa dahil sa reaction. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay nalipat sa ulo ko dahil sa kanyang ginawa! Sabay mo pa ang pag iinit ng mga pisnge ko. "Your face HAHAHAHAHAHA!" Pinag titinginan kami ng mga schoolmates ko at wala akong pakielam basta masampal ko sya. Hinawakan nya ang kamay ko habang tawa sya ng tawa dahil nga sa mas malakas sya sakin ay kaya nya akong pigilan. Huminga ako ng malalim at saka sinipa ang kanyang binti. "Shit shit!" "Masakit 'yon ah!" "Hindi lang 'yan matatanggap mo pag ginawa mo ulit 'yon!" inis na sabi ko sa kanya. Dahan dahan syang tumayo at pumunta kay Mrs. Alvarez na ngayon ay nakatingin samin. Kahit si Diana ay nakatingin din samin pero iba ang kanyang tingin. Kinuha ni Davin ang bulak lak na hawak ni mama nya at saka inabot sakin. "Flowers for you, Nerd." tinalikuran ko sya dahil sa ayaw ko kundi pakiramdam ko kinikilig ako. Tangina. Sino ba naman kasing hindi mag kakagusto kay Davin? He's manly scent. His perfect figure and his kissable lips! Wala kang masasabing panget sa kanya kundi ang ugali nya at dahil nga sa ugali nya ay pinipigilan ko ang sarili ko. "Sus! Kinikilig si Nerd oh." Mabilis ko syang sinuntok at saka tinanggap ang bulak lak. Tumingin ako kay Mrs. Alvarez na nakangiti sakin. "Salamat po sa bulak lak." "Hindi ako bumili nyan. Nang nalaman ni Davin na graduation mo na sya ang bumili nyan para sa'yo." tumingin ako kay Davin na ngayon ay nakaiwas ng tingin habang namumula ang tenga. "Salamat, pervert." ngumuso sya. "Di ba pwedeng salamat gwapo?" "Gwapo ka ba?" Tumingin sya sakin at kumunot ang noo nya. Nakakainis! Bakit kahit nakakunot ang noo ay ang gwapo parin nyang tignan. Huminga ako ng malalim at saka binalik ang tingin sa kanya ang bulak lak. "Mag sisimula na ang lakad namin. Sa'yo muna 'yan, mahirap ang maraming dala." Umayos na si Mommy sa gilid ko at nag simula na kami mag lakad paikot sa stage. Huminga ako ng malalim at nakita ko si Davin na may hawak na cellphone habang kinukuhanan ako ng picture. Inalis ni Mommy ang salamin ko at natawa lang si Davin don. Umirap ako at pinag patuloy ang pag lalakad hanggang sa makarating kami sa puting upuan pero tangina. "Picture tayo!" tumayo si Mommy sandali at saka tumabi sakin si Davin. Tinignan ko sya na nakakunot ang noo kahit panay ang click ng camera. Tumingin sya sakin at ngumiti sya ng matamis. "Lumingon ka sa camera, alam kong gwapo ako." Sinapak ko sya at tumawa lang sya. NIlagay nya ang kamay nya sa balikat ko at kinurot ko 'yon para alisin nya. Inalis kong pilit 'yon at panay ang tawa lang ang naririnig ko sa kanya na para bang enjoy na enjoy sya sa ginagawa nyang pang aasar sakin. "Stop teasing me!" sigaw ko sa kanya. "Dali na! Isa lang!" Tumingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na nasamin pala ang buong atensyon. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti ng makatotohanan kay Davin. Nakita ko ang pag awang ng labi n'ya at saka tumingin ako sa Cellphone nya at pinindot 'yon. "Wait! Hindi ako nakatingin." umirap ako at muli nyang inayos ang camera. Pareho kami ngayon na nakangiti sa camera at pag tapos non ay saka sya nag paalam na babalik na sya don sa labas. Alas onse natapos ang graduation at nauna akong tumayo. Hinubad ko ang toga ko para ibigay sa teacher ko at saka inaya na si Mommy paalis don. Hindi ako umaasa na nandyan pa si Davin kasama ang mama at kapatid nya. Dire diretso ako sa pag labas at napatingin ako sa mga babaeng pinag kakaguluhan ang isang bench. "Anak baka si Davin ang nandon." Pumunta ako don at saka sumingit. Nakita ko si Davin na natutulog habang yakap yakap ang bulak lak at chocolate. "Hooy, umalis ka nga dyan." napairap ako sa nag salita at saka lumapit kay Davin. "Hooy! Sino ka ba? Bakit nilalapitan mo yung gwapo?" "Manahimik ka pwede?" naiinis na sabi ko at saka nilapitan si Davin. Isang malakas na sampal ang ginawa ko at napatalon sya. "HOOY! BAKIT MO----" "Shit!" napatingin sakin si Davin at hinawakan ang kanyang pisnge. "Damn! Masakit 'yon, Letricezia!" inis na sabi nya sakin. "Bakit nandito ka? Anong oras na? Umuwi na ang mama mo at kapatid mo pero nandito ka pa?" natahimik ang mga babaeng nag paalis sakin dahil sa nang yare. "tsss. Andon si mama sa bahay nyo kasama si Diana! Sinusundo ko kaya kayo." napairap ako sa kanya. Inabot nya sakin ang bulak lak at chocolate. Ang ugok nakanguso pa na para bang nag papa cute. Tinanggap ko 'yon at saka huminga ng malalim. Hindi ko maiwasan magwapuhan sa kanya. Aminado akong gwapo sya pero hindi ko parin gusto ang ugali nyang pambabastos. At alam kong gusto ko sya, gusto ko sya dahil sa ugali nya kahit ayoko ang ugali nya. Ibang iba sya sa lalakeng pinapangarap ko pero bakit sa kanya ako nag ka gusto? This is the second time we've met pero bakit may nararamdaman ako sa kanya? A month before girls fell in love with boys? but me? it's just a day! The same day when we've met. Napabuntong hininga ako at sakaya sya inaya. Pumunta ako kay Mommy na ngayon ay nag hihintay samin. Sabay sabay kami nag lakad palabas at tatawag sana ng taxi si Mommy pero hinila ako ni Davin sa isang sasakyan kaya naman sumunod si Mommy samin. Umupo kami pareho sa backseat at si Mommy naman ay sa harapan. "Pwede naman sabihin pero bakit hila ng hila?!" kinuha ko ang kamay ko sa kanya at saka nag iwas ng tingin. Ayan nanaman. "Tara na." Nag simula ng umadar ang sasakyan habang ako ay nakatingin sa labasan. Hindi ako makapag salita o makatingin man lang kay Davin dahil sa nararamdaman ko. Pinipilit ko lamang maging normal sa harapan nya para lang hindi mahalata ang nararamdaman ko. Davin is not my type. He looks like my father na hind mapag kakatiwalaan. He's not my ideal man either. "Nandito na tayo." Nauna akong bumaba at nag tuloy tuloy papasok. Sa pag pasok ko sa loob at binuksan ko agad ang ilaw. "CONGRATULATION!" Napatingin ako kay mrs. Alvarez kasama ang asawa nito at si Diana na nakangiti. May hawak hawak silang banner na para sakin. "S-Salamat po." Hindi ko alam kung ano nang yayare sakin pero parang may humaplos sa puso ko sa kanilang ginawa. Nag iinit ang sulok ng aking mga mata at saka nag iwas sa kanila ng tingin. Binaba ko sa sofa namin ang regalong natanggap ko. Lumapit sakin si Mrs. Alvarez na may hawak na susi. "A-Ano po to?" "This is car for you. Para hindi ka mahirapan sa pag pas---" "Hindi ko po 'to matatanggap." mabilis kong sinoli ang susi. "Sapat na sakin yung suprise nyo Mrs. Alvare---" "Call me mama." tumango ako sa kanya. "Hindi ko po matatanggap yang bigay nyo. This is too much. Masaya po akong..." hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko. "M-Masaya po ako sa supresa n'yo." pinunasan ko ang luha ko. "You raise her well, Leira." "Thank you, Ma'am." Hindi ko maiwasan mapahikbi sa harapan nila. Sa isang simpleng ginawa nila ay naging emosyonal at ako sobrang saya. Kahit kailan o kahit sino walang gumawa nito sakin. Sila lang, sila lang na hindi ko pa pamilya. Pinunasan ko ang luha ko at saka tumingin sa kanila. "M-Maraming salamat po talaga." "KAINAN NA!" Inayos ko ang sarili ko at saka niyakap ako ni Mrs. Al--Mama. Isang mahigpit na yakap at hinalikan pa nito ang noo ko. "Thank you po." ulit ko. "Ano nang yayare? Umiiyak ba si Nerd! Sus! Nerd!" Mabilis akong lumingon kay Davin at saka sinuntok sya. Natawa nanaman sya at kahit ako ay hindi din maiwasan matawa ng mahina. Napatigil sya sa pag tawa dahil sa pag tawa ko at saka nag iwas ng tingin. Tumakbo sya papunta sa kusina. "KUMAIN NA TAYO!" sigaw nya at saka hinila ako ni Diana papunta sa kusina. "Masarap 'yung chocolate na dala ko. Ikaw lang kakain non ah? Wag mo ipapamimigay." "Salamat." nakangiting sabi ko. Inayos na ni Mommy ang pag kain ko at si Davin naman ay lumipat sa tabi ko at saka nag simulang kumain. Iniiwas kong mapatingin sa kanya at pinag papatuloy ko ang pag kain ko habang kausap si Diana tungkol sa pagiging first year nya this year. "Pumunta kayo bukas graduation ni Davin sa bahay ah. Si Saimon, Simon, si Davin, Si Raj at Angel, sabay sabay sila gra graduate. Pumunta kayo." napatingin ako kay Mrs. Alva--Mama. Hindi ako sumagot dahil hindi naman ako pupunta. Ayoko dahil panigurado ay maraming tao don. Nag katuwaan pa kaming lahat sa sala at kumanta si Diana at hindi ko inaasahan na may tinatago syang gandang boses. "Sa totoo lang? Lahat ng apo ko ay magaganda ang boses." pag mamalaki ni mama. "Lalo na si Angel at Simon." "Ako din naman mama ah." natawa sila mag lolo dahil sa pag singit ni Davin. "Amina Diana yang Mic. Papakitaan ko si mama ng isang malupit." nag apir pa sila nag mag lolo. Hindi ko maiwasan mapatingin kay Davin habang nag iisip kung anong kanta ang gusto nya. Napatingin sya sakin at nag iwas agad ako ng tingin. Tumingin ako kay Diana at ngumiti sa kanya. Kinuwento nya sakin ang itsura ng university nila. "Kuya ano ba? Wala ka parin ba maisip na kanta?" May pinindot si Davin at saka tumingin sakin. Ngumiti lang ako ng tipid at muling tumingin kay Diana. Umupo sya sa harapan namin. Hiding form the rain and snow Napatingin ako sa kanya dahil sa pag sisimula nya ng kanta. Nakatingin lang s'ya sa TV kung saan ang lyrics. Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa Tv kung nasan ang lyrics. Bakit ang ganda ng boses nya? Trying to forget but I won't let go Looking at a crowded street Listening to my own heartbeat So many people around the world Tell me where do I find someone like you girl Sa pag dating ng chorus ay nakita kong lumipat ang tingin nya sakin. Kitang kita ko 'yon sa gilid ng mata ko at saka tumingin sa kanya. Take me to your heart, take me to your soul Give me your hand before I'm old Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya. Titig na titig sya sakin habang kumakanta. Gusto ko iiwas ang tingin ko pero hindi ko magawa. Show me what love is, haven't got a clue Show me that wonders can be true They say nothing lasts forever We're only here today Love is now or never Bring me far away Ilang beses ako lumunok at saka umiwas na ng tingin. Kinuha ko ang cellphone ko at pa kunyare may pag ka abalahan para lang makaiwas sa kanya. Natapos ang kanta at muli sya nag salita. "OH MAMA? SINO NGAYON PINAKA MAGANDANG BOSES?" malakas na tanong nya. Hindi ko maiwasan mag asshume na para sakin ang kantang 'yon. Pero bakit pinipilit ng puso kong para sakin 'yun kahit hindi naman ang sabi ng utak ko? "Manang mana talaga sa'yo, Cris, yang apo mong si Davin." Natawa lang sila mag lolo at ako naman ay tumayo na. "Mommy, inaantok na ko." paalam ko sa kanya. Tumingin ako kay Mama at papa na nakangiti sakin. "Matutulog na po ako. Maaga din po kasi ako bukas para makahanap ng summer work." "Pwede ka sa kompanya. Ano bang gusto mong trabaho?" nagulat ako sa kanyang tanong. "Balita ko gusto mo din maging tulad ng mommy mo. Yung mag dedesign ng furnitures?" dahan dahan akong tumango. "Anak, oo nga naman. Sumama ka sakin bukas." "Hindi na po. Gusto ko lang po muna mag trabaho sa dating pinag tra trabuhuan ko. Nasanay na po kasi ako dun tuwing bakasyon." nahihiyang sabi ko. "Yun ang ginagawa mo sa bakasyon?" napatingin ako kay Davin at saka tumango. "Nakasanayan na din." nakangiting sagot ko. "Sige. Matutulog na po ako." "Eh kung may trabaho ka bukas? Hindi ka pupunta sa bahay?" malungkot na sabi ni Davin at tinaasan ko sya ng kilay. "Ang daya mo naman!" "Arte nito. Hindi ka babae, wag kang umarte." humikab ako at saka umalis don at saka pumasok sa kwarto. Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Davin papasok sa kwarto at saka ni lock 'yon. "Hindi ka pupunta sa bahay?" naiinis na tanong nya. "May trabaho ako." sagot ko sa kanya. "Edi next day ka na mag work! Graduation mo ngayon! Pumunta ako! Pero Graduation ko hindi ka pumunta!" kumunot ang noo ko dahil sa inaasta nya. "What is the big deal, Davin?! We're not even close and i don't invite you here, okay?! So you don't care if i go there or not." biglang pumait ang ngiti nya. "Yeah, we're not close. Yeah, sorry, akala ko kasi close tayo." mapait na sabi nya. Bigla naman ako naguilty dahil sa nang yare. Padabog syang lumabas sa kwarto ko at ako naman ay naiwang tulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD