Kinaumagahan ng magising ako ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ilang ubo ang ginawa ko bago tumayo. Hinang hina akong pumunta sa CR at nag linis ng katawan. Nang hinawakan ko ang sarili ko ay hindi naman ako gaano kainit. Dahil siguro sa ulan kagabi. Nabasa ako dahil sa kakahintay sa labas ng villlage kay Carter. Kagabi iyak ako ng iyak dahil sa ginawa ni Davin pero ayos lang sakin. Ayos lang sakin ang masaktan ng ganon kung 'yun ang ikakasaya nya. Kaya kong masaktan basta hindi s'ya masaktan. Baliw na baliw na ko dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Kahit nasasaktan ako ay hindi ako bumibitaw dahil sa pag mamahal ko. Hindi ko alam na ganito pala ako katanga pag dating sa kan'ya? Yung tipong hindi humihingi ng tawad pero napatawad mo na agad. Buti nalang hindi nag