Bumukas na ang elevator at lumabas na kaming lahat. Lahat ng nadadaanan namin ay binabati si Davin at si Davin naman ay hindi ito pinapansin. Gusto kong matawa dahil sa ekspresyon ng muka nito, lahat ng lalake at sinasamaan dahil napapatingin sakin ang mga 'yon. May tumapat na isang kotse samin at may lumabas na isang lalake. Inabot nito ang susi kay Davin at pinag buksan na ko ni Davin ng pinto ng kotse. Pumasok ako don at mabilis na inayos ang seatbelt ko. Nakita kong umikot s'ya sa pakabila. Sa isang fastfood nga ako ng dinala ng impaktong Davin. Maraming napapatingin samin at ako naman ay panay ang kurot sa tagliran nito. Panay lang ang tawa n'ya ng mahina at pumila kami sa Jollibee. May kumukuha saming litrato at sigurado akong hot topic nanaman kami bukas. "Hay. Sarap talaga pag b