Mukang hindi s'ya naniwala sa sinabi ko. Napailing na lang ako sa sarili ko. Eh halata naman kung ano na nang yari. Hindi ako magaling mag sinungaling. Huminga ako ng malalim at saka nag tuloy tuloy sa pababa. Pumunta ako ng sofa pero hindi ko nakita ang gamit ko don. Pumunta ako sa kusina pero walang tao kahit isa don. Pumunta ako sa likod at maayos na ang mga painting don pero wala parin ang gamit ko. Lumabas ako at nakita ko sila Simon na walang suot na pangitaas na mukang galing lang sa Gym. Iniwas ko agad ang tingin sa kanila. Kasama nito si Saimon, Raj pero wala si Davin. "Huy Trice, bati na kayo ni Davin?" "I'm here for Tita not for him." sagot ko kay Simon. Tinignan ko ang baba ko para hindi ko makita ang kanilang perpektong katawan. Pakiramdam