Pumasok ako sa cr at mabilis na naligo. Hindi dapat nila malaman na may narinig ako. Alam kong mag papanggap sila mamaya na wala silang alam. Gano'n naman sila, takot sila pag nalaman ko na sinuntok nila si Charliez Natapos ako maligo ay agad akong umupo sa make up table ko. Kinuha ko ang blower ko saka binlower ito. Nang matuyo ito ay agad akong nag bihis ng pambahay. Nag lagay ako ng concealer sa ilalim ng mga mata ko at sa ibang paligid. Magang maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak, pero naayos ko din naman agad 'to. Huminga ako ng malalim at saka lumabas ng kwarto ko. Bumaba ako ng hagdan at saka dumiretso sa kusina. Andon pa ri sila pero nakaupo na. Inaayos ni Mommy ang pag kain. Anong oras na pero ngayon pa lang sila kakain? Mukang inuna nila si Charlie? Agad akong lumapit sa