Nagising ako ay nasa kwarto na ko ng Condo ko. Si kuya Davin lang andito sa tabi ko at natutulog. Dahan dahan ako bumangon at bumaba.
Napahawak ko sa ulo ko at wala ang sakit nito. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng kwarto ko. Gulat pa ko ng makita si Snow na nakaupo sa sofa habang nanonood.
"Good Morning, tita mama mo!" mabilis ako pumunta dito para halikan sa noo. "I cooked something, tita."
"Ohh? You cooked?" she nodded.
"Nanonood ako ng youtube, Tita mama. Mas maganda matuto ang babae mag luto sabi ni Mommy." napangiti ako sa sinabi n'ya.
"Wow naman. I am proud of you." niyakap ako nito
Pumunta ako sa kusina. "Mom helped me to cook this. She's guiding me ealier."
Pinaupo n'ya ko saka binuksan ang tupperwear sa harapan ko. May dala din s'yang rice. Ako na kumuha ng plato, kutsara, tubig para makakain na kami pareho
"Wow! The best adobo!" Snow giggled.
"Ofcourse! Regan told me that also." mayabang na sabi nito sa akin.
As if naman, pinapagaan n'ya lang loob ni Snow pero ang totoo ang alat ng luto. Pero kailangan mag panggap. Baka mapatay kami ni Kuya Simon.
Nag simula na kami pareho kumain. Natapos kami pareho at sabay non pag pasok ni Kuya Davin sa kusina.
"Wow! Niluto ni Sena, Snow?" Snow rolled her eyes.
"Tito papa, i still remember clearly the day you used me." Kuya Davin chuckled.
Para bang hindi makalimot sa mga utang ng mga Tito n'ya.
"It's effective? I got her, right? I have Devin and Divine, they are both handsome and beautiful, right?"
"Ofcourse! Walang pangit sa lahi natin." pare pareho kaming natawa. "Good morning!"
She kissed kuya davin cheeks. "Sino nag hatid sayo dito." Kuya asked.
"My dad is in his office po. Alam ko naman po paano pumunta don." sagot ni Snow.
Saka ko lang naalala ang nang yari kagabi. Nawalan ako ng malay dahil sa pinipilit kong makakaalala. Huminga ako ng malalim.
"Kuya, Charlie didn't do anything to me, i was asking him last night. " napahinto si Kuya sa pag kain.
Muka s'yang nawala sa mood dahil sa sinabi ko. Kaya naman napatingin s'ya sa akin.
"Stay away from him, Diana." he said fiercely. "Kahit 'yun lang. You can date Allendro, okay. But stay away from Charlie." dugtong pa nito.
Seryosong seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Kuya..." mahinang tawag ko.
Nag simula ulit s'yang kumain. Hindi na ko muli nag salita. "I cooked that, Tito papa." pag mamayabang ni Snow.
"Kaya pala masarap."
Iniwan ko sila parehong nag kukulitan doon. Ako naman ay umakyat para pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko may isang unknown message don.
"Hi, Diana. This is Allendro. I am excited to see you. Kailan next date natin?"
Agad ako ang reply dito.
Hindi ko alam kung iiwasan ko si Charlie o ano. Natatakot ako sa pwedeng mang yari. Simula nalaman ko may selective amnesia ako ay parang nag iba ako. Lalo na't nawala si Mama, tuluyan na ko nag iba. Hindi ko alam paano galaw gagawin ko.
Knowing na may hindi ka naalala. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa cellphone ko.
"Ikaw kailan mo gusto." reply ko dito.
I should forget Charlie, right? Baka tama si Kuya Davin, baka kailangan ko talaga 'to kalimutan.
Allendro:
Sure! Nasa Funtabella Condominium ka? Your daddy told me. I think he likes me.
Napataas ang kilay ko.
Me:
Really?
I think dad just using Allendro to distract me. Si kuya Davin na ayaw kay Allendro ngayon gusto ako makipag date dito? Para mawala si Charlie? Why?
Last night i didn't had a bad dream. Ganon naman talaga pag katabi ko ang mom and dad ko.
Allendro:
Let's dinner, Later? I'll fetch you at 7 pm.
Me:
Okay?
Napag pasyahan ko pumunta sa office ni Kuya Simon. Kilala naman ako dito kaya madali nalang lahat sa akin.
"Are you going to apply?" he asked me.
"Yep. Ano magandang position Kuya Simon?" i asked.
"Yung si Sena ang nag dadala."
"Nakakadiri ka!" naiinis na sabi ko dito!
Tumawa agad ito ng malakas. Pag talaga sila ang nag kakasama ni Kuya Davin aypuro kagaguhan na lang maririnig. Kaya bagay na bagay silang dalawa ni Kuya Davin na mag sama dahil pareho silang mga gago. Nakakadiri.
"Ikaw na lang pumalit sa akin dito pag wala ako. Kumpleto ang tao at wala ako mabibigay na trabaho. Kung hindi kita tatanggapin baka ako mawalan ng hanap buhay." he rolled his eyes.
"Okay!" masayang sabi ko dito.
"At aalis ako ngayon. May session kami ng asawa ko."
"Kuya!" tumawa lang ito at hinalikan ako sa pisnge.
Sakto naman pumasok si Snow kasama si Kuya Davin at mukang aalis na sila. Kuya davin kissed my cheeks and left quickly.
Lumabas na din ako. May sinabi si Kuya Simon sa babae na kasing edad ko na patango tango lang.
Lumapit agad sa akin ang babae. "Ma'am, ipapakilala na po ba kita?" she asked me.
"Mag aayos lang ako." tango agad sinagot sa akin.
Kaya naman ng makabalik ako sa Room ko ay agad ako naligo. Nag hanap ako ng formal na damit na pwedeng pang opisina.
I choose the tube one at papatungan ko na lamg ng blazer and cotton slacks naman ang pang ibaba.
Muka na talaga akong businesswoman sa itsura ko at kailangan ko galingam sa trabaho ko.
Pinatuyo ko na ang buhok ko. White tube and black blazer na makapal ang suot ko and high-waist slacks and isang white heels. Light make up lang ang nilagay ko sa muka ko at lumabas na.
Agad kong nakita si Ellie papalapit sa pwesto ko. She's wearing white hight waist shorts at kitang kita ang mapuputi at mahabang binti nito at isang simple pink shirt.
Naalala ko si Rhaine sa outfit n'ya pero mas maganda naman ang pinsan ko.
Walang tatalo sa kagandahan ng pinsan ko. The best 'yun.
"Good morning." nakangiting bati ko pero inirapan lang ako nito.
Halatang ayaw n'ya sa akin, akala n'ya ba talaga kami ni Charlie?
"Walang maganda sa umaga kung ikaw makikita ko." napataas ako ng kilay.
"Edi wag ka pumunta dito ng hindi mo ko gusto na nakikita." sagot ko agad sa kanya.
Akala n'ya naman papatalo ako sa kan'ya? Bwisit s'ya!
Dumating na ang babaeng kaninang inutusan ni Kuya Simon. "Goodmorning, ma'am. I'll be your secretary! I am Grace ma'am."
"I am Diana Aragon, Diana na lanf." nahihiya itong tumango sa akin saka tumingin kay Ellie.
Grace rolled her eyes when she saw Ellie at umiwas ito ng tingin sa akin. "Excuse us, marami pa kong gagawin." nilagpasan ko sya.
"You are Charlie's ex? Am i right?" naptigil ako sa pag lalakad.
My secretary was shocked to heard that news. Humarap ako dito. "Buti ka pa alam mong ex ko s'ya, ako nga hindi." ngumisi ako. "Hindi ko din kasi maalala na naging boyfriend ko si Charlie." namula ang mukha nito, halatang napahiya sa sinabi ko.
Umirap ako sa kanya at tuluyan ng umalis. Pinindot ko ang floor kung saan office ni Kuya Simon.
Hindi ko maiwasan mag isip. Ano ginagawa ni Ellie ng ganitong kaaga sa lugar na 'to? Wala naman ang ka banda ni Charlie ha?
Sa pag pasok ko don ay gulat ako ng maraming empleyado don.
"Goodmorning, ma'am." nakangiting mga bati nito.
Mama told me, be good to everyone. As long walang ginagawa na masama sa akin ay maging mabuti ako. Pero wag na wag agad mag titiwala.
Umupo ako sa upuan ko. Sobrang dami nila at bukas pa ang pinto dahil sa dami nila.
"Good morning, this is Diana Aragon, alam kong pamilyar kayo sa kanya. She's our new boss." pumalakpak sila. "Alam natin maraming branch ang Funtabella, kaya madalang s'ya dito. Pero ngayon meron na tayong boss dito at dito rin sya nakatira." nakangiting sabi ni Grace sa kanila.
Ngumiti ako sa lahat. "Good morning. Diana na lang itawag n'yo sa akin. And? Sana maging maganda pakikitungo natin sa isa't isa."
Pinaalis ko na sila pag katapos non dahil hindi pwede mag tagal. Umupo ako sa upuan at agad ako inabutan ni Grace na gagawin.
"Ma'am sweldo po ngayon ng mga employees natin. Pakipirmahan po ito."
"Hindi ba ito inayos ni Kuya Simon?" umiling s'ya.
"Na check ko na po ito ng dalawang beses."
Tumango ako. Sinabi n'ya din sa akin mag kano sweldo, kahit daw rest day ay may bayad ang emplyado at yun daw pinag laban nila Kuya Simon sa mga board members. Hindi ko maiwasan mapangiti sa sobrang bait ng pinsan ko.
Pumirma ako at may panibagong binigay ulit ito at pinabasa. Sumakit agad ang ulo ko dahil wala ako masyadong maitindihan. Ang ginawa ko ay iniscan ko 'to saka sinend may Kuya Simon.
"Mamaya na lang, Grace."
"Kung hindi mo kaya, iwan mo muna. Pwede ko naman i check yan pag dating ko ulit d'yan." ayan ang na receive ko kay Kuya Simon.
Kaya naman hinayaan mo na ang papel na 'yon. Dinalan ako nang Lunch ni Grace mula sa Resto dito sa Condo. Agad ako kumain habang binabasa ulit ang documents na binigay sa akin ni Grace at baka sakaling may maintindihan ako.
Natapos ako kumain at nag pahinga ng kaunti. Maya maya ay naisipan ko mag ikot sa pool sa second floor. Andito kasi ang pool, tsaka may pool din naman pag dating sa 6th floor, 12, floor, oh sa iba pa.
Syempre may gym din. Masyadong malaki ang lugar ay mataas amg building.
"Good Morning, ma'am Diana" bati sa akin ng may nakakakilala sa akin na empleyado.
Nang bandang alas sais ay naalala ko ang dinner namin ni Allendro. Hindi na ko nag palit pero ang retouch ako.
Pumasok ulit sa isipan ko ang tungkol kay Ellie, andon pa kaya sya? Andon kaya si Chaina?
Siguro wag ko na sila isipin.
Maaga pa sa thirty minutes ay dumating si Allendro. Kaya naman lumabas na ko at ngumiti sa kanya. Bumukas din ang kabilang pinto at gulat ako lumabas si Ellie don na suot na lang ng isang malaking tshirt at short.
Napaiwas agad ako ng tingin.
"Ate Ellie kasi sinabi na wag mangielam sa kusina! Nagalit tuloy si Kuya. Umalis ka na nga!" naiinis na sabi ni Chaina dito kaya napatingin ako dito. "Marunong naman si Kuya, nangielam ka pa. Edi sana hindi mainit ulo ni kuya--Ate Diana, Hello!" ngumiti ako dito.
"Hi. Aalis na ko ha?" lumabas si Charlie at napatingin agad ito sa amin.
Allendro hold my waist at tuluyan na kaming umalis at hindi s'ya binigyan ng kahit anong tingin.
Ang sakit makita na suot suot n'ya ang damit ni Charlie. Anong ginawa nila? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit gano'n ang nang yari?
--