Sa bawat galaw ng kanyang katawan, sa bawat bigkas ng kanyang labi, sa bawat ngiti n'ya. Lahat ng 'yun ay pamilyar na tanawin ng aking mga mata. Hindi ako makalingin sa iba habang s'ya ang nasa harapan ko. Hindi maaagaw ng ibang tao ang tingin ko sa kanya. Para bang may kung ano sa kan'ya na dahilan kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko. Napaganda n'yang panoorin. Wala akong nakikitang iba kung hindi s'ya lamang. Wala akong naririnig na ingay, tanging magandang boses n'ya lang ang naririnig ko. Nag tama ang aming tingin. Mapupungay ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin. Tuloy pa rin ang kan'yang pag kanta habang ako ay nakangiti lang. Nakangiting pinanonood s'ya. I am so proud of him. I missed eight years. I wanna go back in the day we are okay, sa araw na kami pa, masaya p