Nag simula na ang dinner, pero ang Kuya Davin ay nanatiling tahimik sa mahahang mesa. Pilit na pinapakain ni Ate Trice 'to pero muka talagang badtrip, hindi lang naman si Kuya Davin at mukang badtrip, even my Mom, my cousins na mukang against sa kagustuhan ni Daddy. But in the end? Ako pa rin naman ang mag dedesisyon. Nasa akin pa rin naman ang huli and daddy? He is trying his best to make me happy and i appreciate it. I am not mad at daddy for doing this. I know, ayaw n'ya lang maulit sa akin ang nang yari noon. Ayaw n'ya lang masaktan ako at halos maubos ako. Nag- aalala lang s'ya, mahal na mahal n'ya ako at alam ko na masakit para sa kan'ya na makita ako noon, kung paano ako mang hina. Na ang inaakala nilang si Diana na sobrang tapang ay halos mabaliw sa sakit. "Princess, eat more.