Nagising ako ay nandon pa rin ako. Nang hihina ang katawan ko, hindi ako makapag salita dahil na tutuyo ang lalamunan ko. Dahan dahan akong umupo at agas lumapit sa akin si Mommy. "W-Water." mahinang sabi ko sa kan'ya. "Sandali, anak." Kitang kita ko ang pamamayat ni Mommy, halatang pagod na pagod 'to. Agad kumuha ng tubig si Mommy at pinainom sa akin. Nilihis nito lahat ng buhok na nakaharang sa muka ko. Pinahiga ulit ako nito at tumingin ako sa kisame. Naging maayos ang pakiramdam ko kahit papaano. Wala na ko naririnig kahit ano. Wala na kahit ano pa. Ayoko na ulit marinig 'yun. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako. "Are you okay, Diana?" she asked me while staring my face sadly. Maitim ang ilalim ng mga mata nito halatang walang tulog at ang katawan n'ya. Unti unting bumabag