Mommy didn't left me. Hawak hawak nito ang kamay ko habang patuloy na ginagamot ang pulso ko. Ang luha ko ay natuyo na sa pisnge ko, patuloy ko nilalabanan ang antok. Ayoko matulog, ayokong managinip, ayoko makita ang galit ni Tita Cheena. "Listen to me." tumingin ako sa kan'ya. "Mommy is always here okay? I will never leave you. I love you." "Sinasabi nila na hindi mo ako mahal, kayo nila daddy at Kuya. Naaawa lang kayo sa akin." tumitig si Mommy sa akin at saka umiling. "Hindi totoo 'yun. Wag ka sa kanila maniwala. Mahal kita, kami ng dad mo." pinunasan ko ang luha. "M-Mommy, hindi ako baliw---" "Of course! You are not!" putol nito sa akin. "Hindi ka nababaliw o ano. Tutulungan ka namin ng daddy mo." ngumiti ako dito. Bumukas muli ang pinto ng kwarto ko. Dad went in with food. Lum