Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Masakit ang ulo ko at nanginginig ang katawan ko. Unti unti bumalik sa akin ang mga nang yari. Unti unti ko naalala ang mga ginawa ko. Inaalala ko ang mga ginawa ko, kung paano ko hilingin kung mamatay ako. Paano ko nagawa ang mga 'to? Wala akong maisip na dahilan. Parang hindi ko nakilala ang sarili ko. Bumuhos ang luha ko at agad ako napatakip sa bibig. Si Mommy agad ang inisip ko kaya bumangon ako. And i saw her, sleeping in sofa with daddy. Bumaba ako sa higaan ko. Inalis ko ang nasa wrist ko at agad nag lakad papunta sa kanya. Lumuhod ako sa harapan ng muka nito at hinaplos ang pisnge n'ya. "Mahal na mahal kita, Mommy..." mahinang sabi ko dito. Nawala ako sa sarili ko dahil sa nang yari. Yung utak ko. Hindi ko alam ano meron sa akin. Pa