TASK 10: Grocery Sunday na at hindi pa rin ako sinusunod ni Alice. Kung ano-anong tricks na ang ginagawa ko para lang mapasunod ko siya. Tulad ngayon, almusal at ang gusto niyang kainin junk foods. Pahirap talagang bata. Kesa sa magwala siya at magising ang nagpapahinga niyang tatay, hinayaan ko na siyang kumain. Wish ko lang wag magising si Nico. So habang kumakain siya, ako naman naglalaba. Yup, kaya ko na siya kahit mejo masakit sa katawan after. Yung uniform at pantulog ko ang nilalabhan ko ngayon. Ang weird nga lang ulit-ulitin yung suot ko, hindi ako sanay na susuotin ko siya for more than one time. "ALICE?" Napatayo ako kagad ng marinig ko yung boses ni Nico. Aww! Yung likod ko. Tss.. I need to see what happen. Lumabas ako ng laundry room at pinuntahan silang mag-ama. Surprise