TASK 44: Shooting "WHAT?" "Hoy, maka wat wat ka dyan. Inday feeling artista ka na mini-make upan pa lang kita." Halos idiin na ng bakla ‘yong brush sa mukha ko. Mukhang labag sa loob niya ang pagme-make up sa akin. Well, labag din naman sa loob ko itong gagawin ko. Basta na lang akong hinila dito sa isang room, binihisan ako, inayos ‘yong buhok, tapos nilalagyan ako ngayon ng make-up. Habang pinapaganda ako, binabasa ko naman ang script kung saan ako lalabas... "What the!" "May ganyan ba sa line mo at kanina mo pa 'yan sinasabi?" Pag-uusisa naman ng bakla. "Bakit ganito ang gagawin ko?" Nanlalaki ang mata ko at kinikilabutan ako sa scene ko. "Ayaw mo no'n? Bruha ka, magiging susyalerang babes ka na ngayong araw na ito dahil sa role mo! At pagnagustuhan ni direk ang