TASK 54: Foundation Day Tonight, I decided to sneak out. Hinintay ko munang makatulog si Ma'am Helen bago tumakas. Pang-third night na itong katabi ko siya matulog. Somehow I got used to the smell of that green oil. "Shh!" I hushed. Si Nico kasi parang nagulat pa sa ginawa ko. "Buti nakatakas ka sa." He tried not to laugh. "It's not funny you know?" I rolled my eyes. "May ginawa ba siyang masama sayo?" "Wala naman." Sa katunayan nga bumait na siya ng mga five percent. Hindi na niya kasi ako pinag-iinitan sa lahat ng ginagawa ko. Mas hinahayaan niya na ako sa gawaing bahay. ‘yon nga lang hindi ako makakuha ng mahabang time kasama si Nico. Kung wala siya sa work, nandyan naman nakabakod si Ma'am Helen o kaya si Alice. Gustong gusto ko na sabihin kay Nico kung sino