TASK 30: Drinks Maghapong tinatawagan ni Ashley ang kasintahan pero hindi nito sinasagot ang cellphone o kaya out of coverage area. Napagpasyahan niyang i-text ito ng sangkatutak umaasang magre-reply ito pero naggabi na lang ay walang ni isang sagot sa text niya. Kinagabihan nag decide na siyang pumunta sa bahay ni Nico. Nakailang pindot siya ng doorbell pero kagaya ng call and text niya ay walang sumagot. "No Nico and his daughter...and his maid?" Napapabulong siya sa sarili niya. "maid..." Ayaw niya mang isipin pero nagpapaulit-ulit sa utak niya ang mukha ni Nico. Si Nico na may makahulugang tingin kay Kikay. Hindi siya tanga para hindi mahuli ang bawat sulyap ng nobyo nito sa katulong. Inaalis nga lang niya sa isip niya na may nangyayaring kung ano sa pagitan ni Nico at ng katulon