TASK 57: Game "Where is Kyra?" Salubong na tanong ni Daniel sa kabilang linya. Hindi siya nakahabol sa mga magulang ni Kyra kaya naman naisipan na lang niyang tawagan si Maj para mabigyan ito ng babala. "Hindi ako hanapan ng taong hinahanap mo. At pano mo ba nakuha ang number ko?" "Where is she?" Tanong uli niya. Hindi niya pinansin ang sinasabi ni Maj sa kaniya. "You don't have to know." "I have to know. Kyra's parents are here. They want her to bring her home." "What?" "I have to talk to her. Warn her." Sandaling hindi sumagot si Maj. Nag-iisip. "I'll text you the place. Pupunta kami doon ni Ashley." "Ashley?" Napatanong kaagad si Daniel na tila ang pangalan lang ni Ashley ang narinig niya. "Oo. Ano naman sayo kung kasama ko si Ashley?" Paghahamon ni Maj. "Sino ba yan?" Isang