bc

My Professor's Secret

book_age18+
3.3K
FOLLOW
20.3K
READ
love-triangle
possessive
one-night stand
teacherxstudent
playboy
nerd
cheating
enimies to lovers
school
seductive
like
intro-logo
Blurb

Matalino, mabait at maganda si Skye Alvarez. Graduating student na s'ya at kilalang kilala s'ya sa University n'ya. Marami s'yang kaibigan at mayroon rin s'yang 6 years boyfriend. Halos perpekto na ang buhay n'ya hanggang sa mahuli n'ya ang boyfriend n'yang si Ash na nag-cheat sa kan'ya. Dahil sa nangyari, niyaya at sinama s'ya ng mga kaibigan n'ya sa isang exclusive club.

There, he kissed a hot fine man and even slept with him. Kinabukasan ay nagulat na lang s'ya nang makilala n'ya at matauhan s'ya kung sino ang lalaking katabi n'ya.

It was Zyro Herman! ang ultimate nerd, shy at Introvert new Professor ng University n'ya. Isa pala itong hot womanizer sa gabi at sa likod ng itim at makapal n'yang salamin.

Dahil sa nangyari, palagi nang nagko-cross ang landas nilang dalawa and Ash is willing to do everything just to take back Skye.

Who will Skye choose?

Ash Flores, who is her ex-boyfriend who changed or Zyro Herman, her two-faced Professor?

let's find out!

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Skye Alvarez's POV: "Cheers!" Sabay-sabay naming tinaas ang glass wine at ininom ang laman nito. Pagkalapag ko ng baso sa lamesa ay napangiwi ako nang malasahan ang pait nito. Narinig kong natawa sila Rika at Cassie na kaibigan ko. Mas lalo ring lumakas ang tugtug dito sa club at hiyawan ng mga taong nagsasayaw sa gitna. "So, why don't we take a photo and post it online?" Suggest ni Cassie. "Pretty sure makikita 'to ni Ash." "Don't talk about that trash," inis kong sagot sabay tinignan silang dalawa ni Rika ng masama. "Why?" Nakangising tanong ni Rika. "Ayaw mo bang masirain s'ya ng bait pagnalaman n'yang nasa club ang nag-iisang Ms. Popular at Genius ng Eastview University na girlfriend n'ya?" "Sht up, Rika. He's my ex now." Inubos ko ang natitirang wine sa baso ko. Dapat ay nasa bahay ako at nag-aaral dahil sa susunod na araw na ang exams namin pero heto ako ngayon, nasa isang Club at dahil ito sa basurang nagngangalang Ash Flores. Hindi ako makapaniwala sa ginawa n'ya sa akin. Sobrang galit ako sa kan'ya at gusto ko s'yang kalimutan kaya wala akong ibang magawa kung hindi tanggapin ang alok ng mga kaibigan ko. "Okay, okay. Stop being gloomy Skye. It doesn't suit you." Umirap si Cassie tapos ay kinuha ang phone nito. "Just a quick photo." Bigla itong kumuha ng litrato naming tatlo kaya naman hindi na ako nakatanggi pa. "And now.. in 10 minutes, let's wait for Ash!" Ngumiti s'ya at binalik na ang phone sa bag n'ya. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Nakita kong napatingin silang dalawa sa akin at magsasalita pa sana pero hindi ko na sila pinansin at nagtungo ako sa gitna para magsayaw. Inalis ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan itong bumagsak. Nagsimula na akong sumayaw at marahan na sinundan ng katawan ko ang tugtog. Napansin kong nakakakuha na ako ng atensyon lalo na ng mga lalaki. Napangisi na lang ako. Sino ba namang hindi mapapatingin sa akin? Maganda at sexy ako. Top student pa nga ako. Halos lahat ay nasa akin na. Hindi ko maintindihan kung bakit pa ako nagawang lokohin ni Ash. "Stupid Ash," mahinang bulong ko at muntik nang natumba nang makaramdam ng pagkahilo. Damn. Nakailang bote na ba kami nila Cassie? Kanina ko pa sila niyayayang umuwi pero ayaw pa nila. "Hey there. Are you okay?" Napunta ang tingin ko sa lalaking lumapit sa akin at tumayo sa harap ko. Medyo madilim sa part namin pero nakikita ko parin naman s'ya. Matangkad ito, maganda ang katawan at itim ang buhok na may pagkamahaba. Ngumiti pa ito kaya naman lumabas ang dimples n'ya. Bakit ang gwapo ng mga lalaki dito sa club? Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman mabilis ko itong kinuha sa bulsa ng fitted jeans na suot ko. Pagkatingin ko kung sino ang nag-message sa akin ay sila Cassie at Rika pala ito. Napakurap ako nang mabasa ang message nila sa akin. Ash is here. Do your revenge now, Girl. Natigilan ako saglit dahil sa nabasa. Nang mag-process na ito ng utak ko ay mabilis kong ginala ang paningin at sinubukang hanapin si Ash pero hindi ko s'ya makita. Hindi ko na rin makita sila Cassie at Rika dahil nasa gitna ako ng dance floor. Hindi tuloy ako mapakali ngayon. "Hey?" Binalik ko ang tingin sa lalaking kaharap ko nang magsalita ito ulit. "I'm good," sagot ko sabay binalik ang phone sa bulsa ng jeans ko tapos ay pinatong ang dalawang kamay ko sa balikat n'ya at nilapit ng kaonti ang aking mukha. My friends are right. Ash cheated and he did hurt me.. a lot. It's time to make him suffer too. "So.. what's your name, beautiful?" Pinatong ng lalaking kasayaw ko ang kamay n'ya sa baiwang ko. Nagsimula na ring sumabay ng galaw ang katawan namin sa tugtog. "Skye. How about you?" "Jace," nakangiti n'yang sagot tapos ay mas nilapit pa ang mukha sa akin. "Nice meeting you." Naramdaman ko ang mainit n'yang hinihinga sa ilong ko. Halos tatlong dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Natigilan ako dahil bigla akong nagdalawang isip. All my life, Ash is the only man I truly loved. I loved him sa anim na taong pagsasama namin. Hindi ko inaasahan na magkakahiwalay kami and I never imagined myself kissing someone else. But now, here I am, dancing with someone else and I'm about to kiss a stranger. Nang makitang marahan na hahalikan ako ni Jace ay napapikit na lang ako at napalunok. Naibaba ko rin ang kamay ko na kanina ay nakahawak sa balikat n'ya. Naiyukom ko ang mga ito habang hinihintay s'yang halikan ako. Hindi ko na alam ang ginagawa ko. Alam kong mali ito pero wala akong pakialam. Gusto kong kalimutan si Ash. "Fck you!" Mabilis akong napadilat nang marinig ko ang pamilyar na boses at naramdamang natumba sa sahig si Jace. Napatingin ako sa kan'ya at nakitang napaupo ito sa dance floor habang nakahawak sa gilid ng labi n'ya na may dugo. Nagtigilan ang mga nagsasayaw dahil sa nangyari at napatingin sa amin. "Tumayo ka d'yan!" Sigaw ni Ash sabay lalapit pa sana ito kay Jace pero agad akong humakbang at humarang. Natigilan si Ash at napatingin sa akin. Nakita kong nakayukom ng madiin ang mga palad n'ya. Galit na galit din ang mga mata nito. Masama ang tingin n'ya sa akin. "Fck, Skye!" Sigaw n'ya sabay lumapit sa akin. Hinawi n'ya pataas ang buhok n'ya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Napayuko na lang ako para hindi n'ya makitang naluluha ako. Bakit s'ya pa ang may ganang magalit ngayon? S'ya ang nagloko sa amin. Sinaktan n'ya ako ng sobra. "What the hell are you wearing?" Tanong n'ya matapos ako tignan simula sa paa hanggang ulo. Nakasuot ako ng itim na fitted jeans at puting sleeveless crop top. Alam kong hindi s'ya sanay sa suot ko dahil lagi akong naka-t shirt o di kaya ay mga long sleeve. Napilitan akong magsuot ng sexy na damit dahil kila Rika. Marahan akong tumingala kay Ash. Tinignan ko s'ya ng deretso sa mga mata. "Why do you even care?" Tanong ko. "We broke up, Ash." Tuwing may mga babaeng halos wala ng saplot sa katawan ay todo habol s'ya ng tingin at tuwang tuwa s'ya sa mga iyon pero pag nagsuot naman ako ng mga ganito ay nagagalit s'ya. "Skye.." humina ang boses n'ya dahil sa huling sinabi ko. Nawala din ang galit sa mga mata n'ya. Napalitan ito ng lungkot. Nang makitang hahawakan n'ya ako sa kamay ay mabilis ko itong tinabig, "please. Just stop. Stop bothering me," halos wala na ang boses ko dahil sinusubukan kong pigilan ang sarili na umiyak. "We're done." Tumalikod na ako sa kan'ya at maglalakad sana pero naramdaman ko ang paghawak n'ya sa braso ko. Napansin kong mas lalo kaming nakakuha ng atensyon. Halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. Nakita ko na rin sila Cassie at Rika na nakatayo sa gilid, umiinom ng wine habang pinapanood kami ni Ash. Pagkalingon ko naman kay Ash ay natigilan ako nang marahan itong lumuhod sa harap ko. Yumuko s'ya at hinawakan muli ang kamay ko. Nakita kong nagbubulungbulungan ang mga tao sa paligid. Ang iba pa sa kanila ay naglabas ng phone at kinukuhaan kami ng video o litrato. "Please.. Skye. I'm sorry. Give me a chance." Tumingala s'ya sa akin at parang tinusok ang puso ko nang makitang tumulo ang luha n'ya. Napakagat ako sa labi para pigilan ang luha ko. Sobrang sakit para sa'kin na makita s'yang umiiyak pero mas masakit ang ginawa n'ya sa akin. "I love you and I can't lose you." Nang maalala ko ang nakita ko sa kwarto n'ya kagabi ay biglang bumalik ang galit ko sa kan'ya. Napatingin ako kila Cassie at Rika na lumapit sa akin. Mabilis kong kinuha ang glass wine nila at binalik ang tingin kay Ash. Marahan akong lumuhod para makapantay s'ya. "You love me, Skye. Hindi mo ako puwedeng iwan. Marami pa tayong pangarap." "Sht up, Ash," madiin kong saad sabay tinapon ang magkabilang glass wine na hawak ko sa ulo n'ya. Narinig kong napasinghap ang mga nanonood sa amin dahil hindi nila ito inaasahan habang si Ash ay napapikit. Binalik ko naman ang glass wine kila Cassie at binalik ang tingin kay Ash. Puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig n'ya. Kung marami pa kaming pangarap, bakit n'ya 'yon nagawa sa akin? Kung mahal n'ya ako, bakit n'ya ako nagawang lokohin? "Wag mo na ako ulit lalapitan at kakausapin," madiin kong sambit sabay tatayo na sana nang pigilan n'ya ako at hawakan sa braso. "No.." Umiling s'ya habang umiiyak. "You can't leave me." Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. "Mahiya ka naman, Ash. Maraming tao dito ngayon sa paligid natin." Tumayo na ako at mabilis nang tumalikod sa kan'ya. "Skye! Please!" Rinig kong sigaw n'ya habang naglalakad na ako papalayo sa kan'ya. Alam kong susundan n'ya ako at hindi titigilan. I know him. We've been together for 6 years. Sa 6 years na iyon ay nakailang break up na din kami. Kabisado na namin ang isa't isa. But this time? He Cheated on me. Hindi ko na s'ya dapat pa patawarin. I need to do something. Habang naglalakad ay may nakita akong lalaking matangkad, nakasuot ng puting polo habang nakataas ang itim na buhok. Nakatayo ito sa gilid habang nakatingin sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis akong lumapit dito. Pinagmasdan ko s'ya sa mga itim n'yang mata. Gusto ko sana umatras na lang dahil kakaiba ang aura na binibigay n'ya pero may pumipigil sa akin. Pamilyar ang mga mata n'ya at parang may kung anong humihila sa akin dito. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. Anong ginagawa n'ya sa akin? "Anong nangyayari dito?" Nang marinig ko ang boses ng mga bouncer ay nabalik ako sa sarili. Mabilis kong hinatak ang neck tie ng lalaking kaharap ko. Tumingkayad ako tapos ay mabilis itong hinalikan sa labi. Naramdaman kong natigilan s'ya dahil sa ginawa ko. Agad ko namang naramdaman ang malambot n'yang labi. Hindi lang ito basta-basta labi. May nalalasahan din akong strawberry at ang bango-bango n'ya. Teka. Pamilyar ang pabango n'ya. Saan ko nga ba 'to naamoy? Bago pa lumalim ang halik ay mabilis na akong humiwalay. Napatingin ako sa collar ng puting polo n'ya. Sobrang tangkad n'ya na hanggang dibdib n'ya lang ako. Nang matauhan naman ako ay mabilis kong binitawan ang neck tie nitong lalaki at napalingon kay Ash. Nakita kong nanlaki ang mata n'ya dahil sa ginawa ko. Nakita ko ring niyukom n'ya ang mga palad n'ya at nang maglalakad na sana ito papunta sa akin ay nahawakan na s'ya ng mga bouncer para pigilan. "Fck! Bitawan n'yo ako!" Pilit s'yang kumakawala sa mga bouncer pero hindi n'ya kaya iyon dahil tatlo sila. "Skye! Please! Let's go home!" Tinignan ko lang s'ya ng seryoso hanggang sa madala s'ya ng mga bouncer sa exit. Nang mawala na s'ya ay bumalik na sa pagsayaw ang iba habang ang iba naman ay nakatingin pa rin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Mabilis akong naglakad papunta sa second floor habang may hawak-hawak na bote ng alak. Narinig kong tinatawag ako nila Cassie pero hindi ko na muna sila pinansin. Gusto ko mapag-isa. Nagtungo ako sa rooftop at sumandal sa railing. "Finally," mahina kong saad sa sarili habang nakatingin sa paligid. Walang ibang tao dito. Ako lang. Tahimik rin dito at hindi gaano rinig ang ingay sa ibaba. Tinungga ko ang bote ng alak. "Damn," madiin kong saad at napapikit nang maramdaman ang pait nito. To be honest, I don't like alcohol. This is not me. Dapat ay nasa bahay ako at nag-aaral pero dahil kay Ash ay hindi ko na alam ang pinaggagawa ko ngayon. I feel lost after losing my great love. Naramdaman kong tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan at napatawa ng mahina. "Fck." "You can't just leave me after kissing me." Napasinghot ako nang marinig na may nagsalita sa likuran ko. Mabilis akong napalingon at natigilan nang makitang ito yung lalaking hinalikan ko kanina! Damn. I totally forgot about him. Tumunga ako ulit ng alak tapos ay humarap sa kan'ya habang nakasandal sa railing. Huminga ako nang malalim dahil lumalala na ang pagkahilo ko. "I'm sorry," mahina kong sambit. "As you can see, I did that because of my ex." Napatingin ako sa boteng hawak ko. Inabot ko ito sa kan'ya, "do you want some?" Ngumiti s'ya at napaiwas na lang ako ng tingin. I'm not gonna lie. He's handsome. "Sure. Why not?" Kinuha n'ya ang bote sa'kin at tumungga rito. Nakakatunaw ang malalim n'yang boses. Pinagmasdan ko s'yang uminom. Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple n'ya habang lumulunok. Bakit lahat na lang sa kan'ya ay napapansin ko? "Your turn." Inabot n'ya sa'kin ang bote matapos n'yang uminom. "Why are you here?" Tanong ko sa kan'ya. "Why don't you ask my name instead?" Humakbang s'ya papalapit sa akin kaya naman naibaba ko ang bote ng alak. Napalunok ako dahil halos dalawang hakbang na lang ang layo n'ya sa akin. Napatingin ako sa labi n'ya. Naalala ko ang paghalik ko sa kan'ya kanina. Sobrang lambot ng labi n'ya. Kahit sandali lang ang paghalik ko sa kan'ya ay alam kong kakaiba iyon. Hindi ko iyon naramdaman kay Ash. "Or..ask me if I'm free tonight." Inangat ko ang tingin ko sa mga mata n'ya. Malumay ang mga ito. Hindi na ako magsisinungaling. Nakakaakit sila. Humakbang ulit s'ya papalapit sa akin. Yumuko s'ya para makapantay ako at huminto nang halos dalawang dangkal na lang ang layo ng labi n'ya sa akin. Napalunok ako muli nang maramdaman ang mainit n'yang hininga sa tuktok ng ilong ko. "Are you free?" Tanong ko nang hindi pinuputol ang eye contact namin. Ngumisi s'ya sabay hinalikan ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook