Chapter 39: The Search for the Empress & Reawakening of the Dark Lord Third Person Point of View Leonhart was frustrated and scared. He felt Lark’s presence gone. Alam niya kung malapit lang ba o malayo si Lark dahil sa koneksyon nila, at iyon ay ang Anima at Mortem. Kapag malapit sila sa isa’t isa, tila may apoy sa kanilang loob ang malakas na nagliliyab, at depende sa kung gaano sila kalapit kung gaano kalakas ang apoy na ito. “Emperor Leonhart?” Sa gitna ng komosyon ay nahanap ni Nerrah si Leonhart. Sa likod naman ni Nerrah ay si Filo. Magulo ngayon ang siyudad dahil sa maraming pagsabog, at magkasama nang nagbakwit papunta sa kastilyo ang Hari, Reyna, si Lady Castella, at Pantaleon. The kingdom was in chaos, and it was because of Luna Axis. Leonhart felt the presence of a few power