Chapter 29: The Water Dragon’s Home, Nosforata Kingdom Frost and I continued to talk and Leo seemed unbothered by it. Hindi ko rin namalayan ang paglipas ng oras, basta ang alam ko lang ay tumigil ang karwahe sa harap ng isang malaking tarangkahan, ito ang entrada ng Nosforata Kingdom, may mga guwardiya ang lumapit sa tsuper sa harap, may nilabas namang gate pass ang tsuper at nanlaki ang mata ng guwardiya. Tumingin siya nang bahagya sa bintana kung saan ako nakasilip at yumuko siya na tila nagbibigay ng respeto. Gumalaw muli ang karwahe at pumasok na kami sa kaharian kung saan ang siyudad agad nito ang bumungad sa amin. Pababa ang kaharian kompara sa imperyo ni Leo, at mula sa aming puwesto ay tanaw ko na ang malawak na karagatan at ang maraming mga barko’t bangkang naglalayag doon. Hi