Edelweiss’s Point of View Matapos kong mawalan ng malay ay nagising na lamang ako sa isang lugar na tila abandonadong bahay dahil sa itsura nito. Maalikabok ang hinigaan kong sirang papag at muntik pang pumasok ang isang gagamba sa loob ng ilong ko. Walang kahit na sino ang nasa paligid nang nagmulat ako ng mga mata at hindi ko alam kung binihag ba ako ng mga taong iyon at dinala rito. Pero— hindi naman ako nakatali. Wala sa kamay at wala rin sa paa. Ni walang nagbabantay sa loob ng sirang bahay. Ramdam ko na medyo masakit pa ang gilid ng leeg ko kung saan pinuntirya ng isa sa mga humarang sa akin. Napahawak na lang ako sa parteng iyon dahil kumirot bigla. Pinakiramdaman ko ang paligid. May narinig akong ingay mula sa labas. Ingay ng mga tuyong dahon na naaapakan at papalapit sa kung s