KABANATA APATNAPU JUCIA BARTOLOME "Good afternoon signora," malambing at nakangiting bati sa kanya ng isang matangkad na lalaki na mukhang Italyano habang nakapilantik ang mga daliri sa isang kamay at may bitbit makeup tool kit naman sa kabila. Wala siyang inaasahang bisita ngunit baka ito ang inaasahang bisita ni Nate na sinabi sa kanya ng binate kani-kanina lang. "Good evening," nakangiting bati niya rin dito, nakakahawa ang masiglang awrang inilalabas nito kaya hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti pabalik dito. "Who's there agapi mou?" tanong ng binatang katatapos lang magtrabaho sa laptop nito saka yumakap sa kanyang likuran. "Il signore," nakangiting bati ng bisita kay Nate na agad ikinalingon ng binata. "Vieni dentro," [Come on in.] pagkasabi niyon ay bumitaw ito sa pagka