KABANATA APATNAPU’T TATLO JUCIA BARTOLOME Muling natagpuan ni Jucia ang sarili sa kusina, ilang araw na siyang nagsusuka at ang araw ngayon ay hindi iba sa mga nagdaang araw. Nagising siyang hilong-hilo at nasusuka kaya nagmamadali siyang tumakbo patungong kusina at iniwan ang lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Nakayuko at hinang-hina siyang nakahawak sa hamba ng lababo. Hindi niya naman matandaan ang sariling kumain ng sirang pagkain o kung ano man na magsasanhi ng pagkahilo niya araw-araw tuwing umaga. Hindi niya na rin sinasabi kay Nate ang kanyang mga nararamdaman, ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya, humahanap lang siya ng tyempong makaalis ng bahay at makapagpatingin sa doktor. "Hey are you okay?" tanong ng lalaki sa kanyang likuran na agad na nagpatindig sa kanya ng diret