KABANATA DALAWAMPU'T SIYAM JUCIA BARTOLOME Matapos kumain ng tanghalian ay dumiretso ang dalaga sa 15th floor ng building, dadalhin niya ang mga papeles na papapirmahan niya sa bagong boss. Curiosity is eating her at gusto niyang malaman kung anong klaseng tao ba ang kanilang bagong boss. Sino ba naman kasing matinong tao ang pagbibigyan siyang magbakasyon kahit hindi siya nagbigay ng notice? Ito lang at ngayon ay magpapaparty pa ito na hindi nila naranasan sa dating management. Hindi niya pinagkukumpara ang dalawang management, maganda ang pagtrato ng dating management sa kanilang lahat at lahat naman ng benepisyo ng bawat isa ay naibibigay nito ngunit kahit kailan sa loob ng limang taon ay hindi ito nagpaparty o kung ano mang uri ng pagsasaya kahit nga team building ay walang naorganis