Kabanata 43 “Kid, my son!” Mabilis na tumakbo si papa at saka hinila si Kid para yakapin nang mahigpit. “Perfect timing!” Bumungisngis si papa. “Now, both my babies are with me!” Tumingin siya sa akin, gayon din sa aking kapatid. Kumuyom ang aking kamao nang dumapo ang aking mga mata sa ngising nakaukit sa labi ni Kid. When was the last time I saw him? Oh, right... when he killed Mermaid and stabbed Maximo... almost to death. Wala akong ibang naramdaman kundi ang galit, alam kong iyon din ang nararamdaman ni Maximo, but he suppressed his anger and contained it to himself. But I can smell it... the overwhelming emotions that are about to explode in Maximo’s soul. “Hey, Aki.” Ngumiti sa akin si Kid. May gana pa siyang ngumiti? Matapos niyang patayin ang sariling anak? I took a dagger from