Kabanata 31 Nalilito ako sa lahat ng nangyayari. Hindi ko alam pero tila pumapayag ako sa gustong mangyari ni Kuya Kid. It has always been like this ever since we were kids. Lahat ng utos niya ay sinusunod ko na tila isang masunuring aso. “Starfish,” naramdaman ko na ngayon ang kamay ni Maximo na mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso, tila pinipigilan akong pumunta kay Kid sa kanyang kinakatayuan. “D-Don’t.” He muttered through his weakened breath. Doon na ako nagsimulang manghinayang. What am I doing? Saka lang ako bumalik sa huwisyo dahil sa ginawa niya. “Ang iyong hinaharap ay nakabalot sa kamatayan. Maaaring kamatayan mo o kamatayan ng mga taong mahal mo. Maaari ring kamatayan ng nasa sinapupunan mo.” Tinignan niya ang aking tyan. “At ikaw ang punong-dulot nito. Mag-ingat ka, Kir