Lala's Point of View Malakas ang pagtama ng hangin sa balat ko dahil na rin sa bilis ng aking paglipad. Nanganganib ang dalawang mortal at kailangan ko silang ilayo. Malapit na ako nang mamataan ko ang papalapit na bulto ng katawan ng lalaki sa di kalayuan. "Sa wakas. Magkakaharap tayong muli Ginoong Marion," usal ko sa sarili. Mabilis rin ang paggalaw nito papunta sa direksyon ng mga mortal ngunit walang sinabi iyon sa aking bilis. Napansin ng dalawa ang Ginoo na papalapit sa kanila at takot agad ang rumehistro sa kanilang mga mukha. Mga reporter ang dalawa base sa suot nilang damit at van na nakaparada sa di kalayuan. May dalang videocam ang lalaki at siguradong nakuhanan niya ang mga nangyayari kanina. Napaatras ang lalaki sa takot at nabitawan ang hawak na videocam. Akmang tatakb