3: DEVIL'S SURNAME

2634 Words
Natatawa si Zoey habang pinagmamasdan ang bugnot na itsura ng lalaki. Wala kasing ibang pagpipiliian ito kundi hintaying matuyo ang damit. Hindi naman ito makapagpabili sa kanya ng isusuot dahil sabi niya, mas mahal pa ang gagastusin nito sa bagong damit kaysa sa kakaltasin niyang 500 pesos sa pagpapalipas pa nito ng ilang oras sa bahay niya. Ewan ba naman niya sa sarili kung bakit naisipan niyang kupkupin ang lalaking ito. Kung tutuusin, puwede naman niyang pabayaan na lang niya ito sa lansangan pero naawa naman siya. Hindi maatim ng konsensiya niya na gawin iyon sa lalaki. “Okay ka lang?” pang-aasar pa niya rito. Tinabihan niya ito sa kama at hinawakan sa hita. Mabilis naman itong umiwas na parang napaso sa hawak niya. Pinigil niya ang sariling matawa dahil sa reaksyon nito. Lumayo na lang siya rito at naupo sa silya malapit sa mesa at kinuha ang isang sigarilyo sa loob ng pakete at sinindihan iyon. Hinithit niya at binuga ang usok niyon. “Gusto mo?” alok pa niya sa binata. Umiling naman ito saka inilapag na lang niya ulit sa mesa ang pakete ng sigarilyo at muling humihit-buga. "Hindi ka naninigarilyo?" "Dati ngayon hindi na, inom lang." "Wow, good boy," pang-aasar na papuri niya rito. "Not really. Actually, they call me rebel,” sabi nito sabay kibit-balikat. "Talaga? Kaya ka ba lasing na lasing kagabi dahil nagrebelde ka? Wow ha? Bakit naman kailangan mong magrebelde? Masaklap ba ang buhay mo sa pamilya mo?" "Unfortunately yes. Sinusumpa ko ang pamilya ko lalo na ang ama ko." Halata sa mga mata ang galit sa taong tinutukoy nito. "Wow!" tanging naitugon niya. “Alam mo, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa’yo. Mabait ka ba o manggagantso?” sabi naman nito sa kanya. “Grabe ka naman sa manggagantso." Nagsalubong ang kilay niya at sumimangot. Na-offend siya nang kaunti sa sinabi nito. “Tinulungan na nga kita, ganyan pa ang tingin mo sa akin.” “Tulong ba iyong paniningil mo sa akin sa pagtuloy ko dito sa bahay mo?” “Kasasabi ko lang ‘di ba? Wala nang libre sa panahon ngayon. Aba! Hindi naman ako mayaman para magpatira ng libre. Mura na nga ang singil ko sa’yo e. 500 lang. Kung sa isang motel ka tutuloy, tatlong oras o dalawang oras mo lang, 700 na. Ubos agad ang isang libo sa wallet mo. Wala ka pang libreng pagkain.” “Iba ka!” sabi nito na naiiling. “Compliment ba iyan? Kung ganoon, thank you,” sabi niyang nakangiti. “Ikaw lang ba mag-isa rito?” pagkuwan ay tanong nito. Luminga pa ito sa paligid na waring sinasaliksik ang kabuuan nito. Wala naman siyang maipagmalaki sa maliit at magulong bahay niya. Nagsisisi tuloy siyang pinatuloy niya ito. Baka malait pa nito ang kanyang maliit na bahay. “May nakikita ka bang kasama ko?” pilosopong tugon niya. “Malay ko ba kung may ka-live in kang boyfriend.” Tumawa naman siya sa sinabi nito. “Boyfriend? Baliw ka ba? Kung may boyfriend akong ka-live in dito, hindi na kita pinatulog dito at saka hindi damit ko ang ipapasuot ko sa iyo.” Napakamot naman ito ng ulo. Na-realize ang pagkakamali sa tanong nito. “Kung wala kang boyfriend, bakit parang expert ka na sa pang-aakit?” nagtatakang tanong nito. Ngumisi siya. “Bakit? Naaakit ka ba sa akin?” Pinamulahan ito ng mukha at umiwas nang tingin. “Wala namang lalaking hindi maaakit sa’yo. You are beautiful and has a gorgeous body. Hindi ka ba natatakot na mapagsamantalahan dahil mag-isa ka lang dito?” “Sanay na ako,” simpleng sagot niya. “Sanay ka nang mag-isa?” “Sanay na akong pinagsasamantalahan. Ilang lalaki na ang dumaan sa akin ‘no?” parang wala lang nang sabihin niya iyon. “Akala ko ba wala kang boyfriend?” Lalong kumunot ang noo nito. “Wala nga at never pa rin akong nagkaroon ng boyfriend. Believe it or not I am one of a NBSB,” pagmamalaki pa niya. “Talaga? E bakit sabi mo…” “E kasi hindi ako magkaka-boyfriend dahil sa trabaho ko.” “Ano bang trabaho mo?” tanong pa nito na akala mo hindi talaga halata kung anong klaseng babae siya. “Prostitute,” diretsang sabi niya na ikinagulat ng kaharap. Hindi ito agad nakapagsalita. “Na-shock ka ba? Hindi naman kagulat-gulat ‘di ba?” “Nagulat pa rin ako. Akala ko ay liberated ka lang. Hindi ko alam na ganoon talaga ang trabaho mo.” “Nandidiri ka na ba sa akin ngayon?” “Ofcourse not! Nagulat lang ako pero hindi naman kita hinuhusgahan. Maybe there’s a reason kung bakit nasa ganyang linya ka ng trabaho," tila may sinseridad namang sabi nito. “Gusto mo bang malaman pa ang kuwento kung paano ako naging ganito?” Muli siyang bumuga ng usok. “If you don’t mind to tell me, why not?” Tila interesado talaga itong malaman ang kanyang talambuhay. “Sobrang mahabang kuwento. Baka kapag kinuwento ko, abutin ka ng kinabukasan dito at siyempre another charge iyon sa upa mo,” biro niya kahit ang totoo, wala siyang planong magkuwento ng talambuhay niya sa ibang tao. Tama nang nasabi na niya iyon kay Chelsea at wala ng iba. Ito lang naman ang itinuturing niyang kaibigan mula nang mapadpad siya sa ganitong trabaho. “Okay. Huwag na lang,” dismayadong sabi nito. Natawa naman siya dahil sa reaksiyon nito. “Sa ngayon, tama na sigurong malaman mo ang pangalan ko. For us to be formal, magpapakilala ako sa’yo.” Lumapit siya sa binata at nag-abot ng kamay. “I’m Zoey Lorraine Atienza.” Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay niya. “Gavin Jameson.” Pamilyar talaga ang epilyido nito sa kanya mula pa kanina na mabasa niya iyon mula sa identification card nito pero binalewala lang niya. Marami namang magkakatulad ng epilyido at sigurado siyang hindi related ang lalaking ito sa lalaking matagal na niyang kinalimutan. Mahirap lang si Gavin kumpara sa milyonaryong demonyo na kilala niya.   Tinawagan ni Zoey si Tatay Damian matapos siyang makapag-ayos ng kanyang sarili. Nagpasundo na siya dito. Tulad ng napag-usapan, pumayag naman itong maging personal driver na niya. Malaking tulong iyon para sa kanya para hindi na siya mahirapan pang mag-abang ng mga taxi sa kanto. Minsan ay inaabot siya ng isang oras bago may dumating at makasakay siya. "Tatay mo?" tanong pa ni Gavin matapos niyang ibaba ang cell phone. Naroon pa ito sa bahay niya dahil nga hinintay nito na matuyo ang damit. Ang totoo niyan, alas tres pa lang ng hapon ay tuyo na ang damit nito pero nagpasya itong manatili muna sa bahay niya hanggang sa oras na aalis na siya. Sasabay na lang daw ito sa pag-alis niya. "Hindi. Siya ang naghatid sa'yo dito. Akala nga niya nabangga ka niya. Ninerbiyos kaya iyong matanda. Naku, kulang pa ang isang libo mo pampagamot sa kanya kapag nagkataon," pang-aasar ulit niya. Inabot na niya rito kanina ang wallet at cell phone nito kasama ang damit at pantalon nito. Binayaran na rin siya nito ng isang libo at sinuklian naman niya para lang asarin ito. Sumimangot naman ang binata. "Lagi mo talagang pinapaalala ang isang libo ko na ngayon ay 500 na lang." "Nagrereklamo ka ba?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Gusto mo bang bawiin? Sabihin mo lang." "Hindi na. Sa'yo na iyon, baka malugi ka pa." "Thank you," nakangising sabi pa niya. Maya-maya pa ay dumating na si Mang Damian. Nakangiti itong bumaba ng sasakyan. "Hello hija, kumusta na?" "Ayos naman po, Tatay Damian. Siya nga po pala, ipapakilala ko po sa inyo itong lalaking tinulungan ninyo," aniya sabay turo sa binatang katabi. "Siya po pala si Gavin." "Natutuwa akong makilala ka, hijo. Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Ayos naman po, Manong. Salamat po sa pagtulong." "Naku wala iyon. Ang totoo niyan, itong si Zoey ang talagang tumulong sa iyo. Naging driver lang talaga ako." Tumingin naman sa kanya ang binata saka ngumiti. Ginantihan lang niya ito ng ngiti saka muling binalingan ang matanda. "Tay, ihatid ninyo po ako sa Desire's Place at ihatid naman po ninyo siya kung saan man siya uuwi. Ako na po ang bahalang magbayad ng pamasahe niya." Ikinagulat naman iyon ng binata. "Pero paano ang bayad ko sa upa?" "Bayad na iyon. Utang mo na lang sa akin ang pamasahe mo. Sayang naman kung mababawasan pa ang 500 mo. Baka wala ka nang maipangkain niyan." Napakamot na lang ng ulo ang binata saka pinagbuksan siya ng pinto ng taxi. Tumabi na rin ito sa kanya sa back seat nang makaupo na siya roon. Wala na silang imikan habang nasa biyahe hanggang sa makababa na siya sa Desire's Place kung saan siya nagtatrabaho bilang isang bayarang babae.   “Bakit naman pinaalis mo pa ang lover boy na iyon? Sayang. Sabi mo, guwapo,” sabi ng kapwa niya prostitute na si Chelsea habang may nguya-nguyang bubble gum sa bibig. Nasa club na sila ngayon at naghihintay ng tawag mula sa kanilang manager. Manager na lang ang tawag nila sa babaeng nagbubugaw sa kanila dahil ito naman talaga ang nagma-manage ng kita nila. Pinoporsyentuhan lang sila. Suwerte na lang kung bibigyan sila ng tip ng customer matapos nilang mapaligaya. “Guwapito pero poorito. Hindi natin kailangan ang mga ganoon sa buhay natin. We have to survive. At makaka-survive lang tayo kapag kumapit tayo sa may mga datung,” sabi naman niya habang nagre-retouch. Pinili niya ang devil red na kulay ng lipstick at ipinahid iyon sa kanyang labi. Mas seductive kasi iyong tingnan para sa kanya. Para rin sa kanya, suwerte ang lipstick na iyon. Kapag iyon ang gamit niya, nakaka-jackpot siya ng papalicious na maraming pera. Malaki ang nakukuha niyang tip kaya gusto niya ulit subukan ang suwerte niya. “Sabagay, survivor ka nga noong naging kabit ka ng bilyunaryong matanda.” Ang totoo, hindi naman talaga matanda ang lalaking nagpahirap sa kanya noon. Nasa treinta mahigit lang ang edad niyon. Hindi rin totoong naging kabit siya nito. Mas maituturing ngang naging sex slave siya ng isang bilyunaryo. Impyerno ang naging buhay niya sa kamay niyon kaya tinakasan niya. Masuwerte siya at nakatakas siya ng buhay. Survivor nga kung maituturing iyon. “Huwag mo nang ipaalala.” Para sa kanya, isang mapait na alaala iyon na ayaw na niyang balikan. “Hindi ka ba natatakot na muling magkrus ang landas ninyo ni Don Guillermo? Tandaan mo, nasa parehong linya ka pa rin kung saan kayo nagtagpo," sabi pa rin nito kahit sinaway na niya. Tanging ito lang naman ang napagsabihan niya ng tungkol sa bagay na iyon dahil ito lang din ang nag-iisang itinuturing niyang kaibigan. Nanaas ang kanyang mga balahibo nang marinig muli ang pangalan ng demonyong tinakasan niya noon. Pangalan pa lang nito ay kinatatakutan na niya. Tama naman si Chelsea, maliit lang ang mundong ginagalawan niya at malaki ang tiyansa na magtagpo muli ang kanilang landas. Kaya lang, wala siyang pagpipilian kundi ang ganitong trabaho. Wala naman kasi siyang tinapos kaya walang tatanggap sa kanya sa matinong trabaho. Todo ingat na lang talaga ang gagawin niya para makaiwas sa muli nilang pagkikita ng demonyong iyon. “Hindi sana pahintulutan ng tadhana dahil tiyak na katapusan ko na,” aniya. Kahit hindi siya naniniwala sa Diyos, naniniwala naman siyang may tadhana at kinatatakutan niya ang tadhanang maglalapit sa kanya sa kapahamakan. “Oh, tama na ang tsismisan. Kanina pa naghihintay ang mga parokyano,” tawag pansin sa kanila ni Aloha, ang bago nilang manager sa trabaho nilang iyon. Agad namang niluwa ni Chelsea ang nginunguyang bubble gum at inayos ang sarili. Gayondin naman siya, muli niyang sinulyapan ang sarili sa salamin. She was close to perfect, kaya nga pinag-aagawan siya ng mga parokyano gabi-gabi at hindi siya naze-zero. Gabi-gabi siyang may nauuwing datung. Kung tutuusin, puwede na siyang tumigil sa trabaho niya dahil may naitatabi na siya. Sa laki ng tip ng kanyang mga parokyano, hindi naman niya iyon nagagastos dahil mag-isa lang siya sa buhay. Iniipon na lang niya iyon para sa hindi inaasahang pangyayari. Nagtungo siya sa gitna nang stage nang tawagin ang kanyang pangalan. Parang sa isang fashion show, suot niya ang pinaka-sexy niyang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya. Naka-tube top siya na may nakapatong na transparent na long sleeve na hanggang hita lamang niya. Kita ang pusod at malulusog niyang dibdib maging ang kanyang makinis na singit dahil na rin nakasuot lamang siya ng lace underwear. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga audience na madalas na parokyano na roon. Ang iba ay kilala na niya sa mukha at pangalan dahil ang ilan sa mga iyon ay nai-take out na siya. Agad siyang sumayaw ng sexy dance sa harap ng mga parokyano. Isa-isa niyang inikutan ang mga ito. Mapang-akit ang mga titig at galaw. Marahang haplos sa mukha papunta sa dibdib ng iba’t ibang lalaking nanonood sa kanilang show. Sa bawat paglapit niya, isa lang ang naririnig niya sa mga ito. “I’ll take you out.” Pero siyempre isa lang ang magwawagi sa kanyang katawan. Iyon ang may pinakamalaking bid sa kanya. Isa na lang ang hiling niya sa sandaling ito, sana hindi matandang hukluban ang makapagbigay ng malaking bid sa kanya. Mas okay sana kung mas bata para naman mas ma-enjoy niya ang sex dito. Kahit paano naman, choosy pa rin siya sa mga lalaking makakatalik niya kaya lang talagang minsan no choice sila kapag minamalas ng konti. Nagsimula na ang bidding sa kanya. Ganoon ang nangyayari kapag marami ang pumili sa iyo. May nag-bid ng 30,000 hanggang sa tumaas ng 100,000. Iyon na ang pinakamataas na naging bid sa kanya mula nang mag-umpisa siya sa bagong club na pinasukan niya. Na-shock siya sa halaga niyon, mukhang mas lumalakas yata ang karisma niya sa mga parokyano ngayong beterano na siya sa edad lamang na biente kuwatro. “May hahabol pa bang bid sa 100,000 para kay Zoey?” tanong ni Aloha na halatang na-excite din pagkabanggit palang ng halaga. “500,000.” Nilingon niya ang nagsalita sa medyo sulok na bahagi ng kuwartong iyon kung saan ginaganap ang bidding. Hindi niya maaninaw ang mukha niyon. Tanging matipunong bulto lamang ng katawan nito ang nakikita niya dahil sa madilim ang parteng iyon na kinatatayuan ng lalaki. “Oh my God! This is the first time na may nag-bid ng half million. May lalaban pa ba?” lalong nasabik na sabi ni Aloha. Tiyak kasing napakalaki ng porsiyento ang makukuha nito. 60:40 kasi ang hatian nila. 60% kay Aloha at 40% lang sa kanya. Lugi, dahil katawan niya ang nakahain pero wala siyang reklamo roon dahil wala din naman siyang magagawa, iyon ang patakaran. May halong kaba at excitement pa rin naman ang nararamdaman niya. First time niyang magkakaroon ng malaking kita sa isang gabi. Kung susumahin ang 40% sa 500,000 na makukuha niya ay puwede na siyang hindi muna magtrabaho ng isang lingo o kahit dalawang linggo pa. Solo naman siya sa buhay kaya kayang-kaya niyang tipirin iyon at may maiipon pa siya. Wala nang lumaban pa sa half million na bid ng hindi kilalang lalaki kaya masayang in-announce ni Aloha na, “Zoey was taken for worth half a million by Mr. Jameson.” Nanlaki ang kanyang mga mata at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nanginig ang kanyang mga tuhod at napaurong siya sa kinatatayuan nang marinig ang epilyidong iyon. Sigurado siyang isa lang ang Jameson na kilala niya na nagmamay-ari ng malaking halaga at puwedeng mag-bid ng ganoon. Hindi maaari! Natagpuan na ba siya ng lalaking matagal na niyang tinakasan? Muli ba siyang nabili nito sa mataas na halaga? Nanginginig ang buong katawan at mabilis na naglandas ang luha sa kanyang mga mata. Mukhang katapusan na niya at sa pagkakataong ito, hindi na siya makakatakas pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD