Pinag buksan na ako nito ng pinto ng sasakyan. Isang beses ko pa sinulyapan si Ate Andreianna na sapo sapo ang kan'yang bibig habang tumutulo ang luha. Tumulo ang luha ko pero ngumiti lang ako sa kaniya para ipakita na ayos lang ako. Wala akong pag sisisihan sa gagawin. Tahimik kami sa buong byahe ni Raoul hanggang sa makarating kami sa Parker's Medical Hospital. Andoon si Tita Stevie na nag hihintay sa labas ng Hospital kaya agad akong bumaba at para bang nakahinga s'ya ng maluwag ng makita ako.. agad ako nito dinaluhan at hinawakan ang aking kamay. "Maraming salamat dahil dtumating ka." Ngumiti ako dito. Pumasok na kami sa loob. Pero aggad ako huminto at tinignan si Raoul. "Sige na, umalis ka na. Maayos naman ako dito---" "You are my responsibility, Keith. I will be with you." Tumi