"Sige na! Sumama ka na! Mag paalam ka na sa boyfriend mo!" umiling ako dito. "Kahit gusto ko? Hindi talaga pwede." ngumuso s'ya sa akin. Mayro'n kasing set ang buong section namin sa hapon. Mukhang may swimming sila at kanina pa n'ya ako inaaya pag pasok ko pa lang ng room. Kagabi nila pinag usapan sa Gc pero diba nga? Hindi na ako nag reply dahil sa hiya ko. Saka aalis kami ni Kurt ngayon. Pupunta kaming walter at hindi ko alam ano bibilin ni Kurt. Saka kung sakali man mag paalam ako? Hindi s'ya papayag lalo na't maraming lalaking kasama baka magalit lang 'to sa akin. "Ano ba 'yan? Wag kasi ayain kung ayaw." Jassy butted in. She is wearing a white crop top again and black hight waist gray pants. Umirap si Creen at saka hinarap 'to. Creen is wearing a fitted white tee shirt and low w