Natapos kami kumain na Apat ay pumunta kami sa labas. Sa ilalim ng manggang malaki, umupo kami ni Kurt doon habang si Nanang naman ay sa isang upuan. "Anong kinuha mong course sa Gapan City College? Wala doon ang course na gusto mo ha?" Umupo si Sandro sa tabi ko. Ang kamay ni Kurt ay agad dumausdos sa aking baywang. Tumingin si Sandro sa baywang ko at agad na nag iwas na tingin. "Ayos lang. Ang mahalaga ay makapag tapos ako. Ikaw? Kamusta ang pag aaral mo?" Hindi s'ya sumagot sa akin kaya naman tumingin ako sa bukid. Maayos ang tanim ko at mukhang sa October or November ay aani na ang sila Tita. "I want to go home." Agad akong napatingin kay Kurt dahil doon. Seryoso ang mukha nito at hindi man ngumingiti na para bang badrip 'to. "Pero masarap hangin dito." Tumayo 'to na kinagulat