Chapter 8

1071 Words
Merrill's Point of View Araw ng Huwebes at naka-schedule ang check-up ni Papa sa Baypointe Hospital sa Subic. Maaga pa lamang ay bumiyahe na kami upang hindi maipit sa traffic ngunit habang nasa daan ay panay ang reklamo niya na masakit daw ang kaniyang tiyan paikot sa kaniyang balakang at likod. "Aray...ang sakit talaga, mahal." Nakakaawa ang itsura ni Papa habang namimilipit sa sakit. "Mawawala rin 'yan, mahal, kapag umipekto na ang gamot," wika ni Mama habang inaalo ito. Ang hirap niyang tingnan nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan siya nang butil-butil. Agad pinupunasan ni Mama ang mga pawis niya dahil pati ang suot nitong damit ay basa na kahit may aircon naman sa likod ng L300. Nang tumalab na ang gamot ay ilang oras na tahimik lang Papa. Parang walang nangyari at nakatulog siya habang nakahiga sa mahabang upuan at ang hita ni Mama ang kaniyang unan. Nasa Cabangan na kami nang magising siya. Napapahiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at kahit ang driver namin na si Tito Baste ay natataranta sa harapan habang nagmamaneho at halos paliparin na niya ang L300. Panay ang busina ni Tito Baste sa mga nakakasabay na sasakyan. May ilan na tumatabi dahil alam na may dala kaming pasyente ngunit may ilan talaga na pasaway at ayaw kaming paunahin. Napakapit na lamang ako dahil baka kung saan ako pulutin kapag bigla itong nagpreno. Pagdating na pagdating sa Baypointe, agad nilang isinakay sa stretcher si Papa upang bigyan nang paunang lunas. Pinaghintay lang kami sa labas at pinupuntahan ng nurse kapag may pinapasabi ang doktor. Nag-undergo ng ilang test si Papa at nang makuha ang resulta ay pinatawag kami ng doktor upang kausapin. "Hindi po maganda ang lagay ng kidney ng inyong asawa, misis. Malaki na ho ang asin na nabuo. Ang sabi niya ho sa akin kanina ay may doktor na na tumingin sa kaniya sa Saudi. Pareho lang po ang findings sa mga test na ginawa namin. I suggest ho na sa Pampanga n'yo na siya dalhin sa isang magaling na nephrologist," wika ng doktor. "Pero doc, wala po akong kilalang magaling na doktor sa Pampanga," usal ni Mama. Maging ako naman ay wala ring kilalang mga doktor. Isa pa, ang layo ng Pampanga. "H'wag po kayong mag-alala, ire-refer ko po kayo sa aking kaibigan na si Dr. Serrano." Nakahinga ako nang maluwag. Nag-iisip pa naman na sana ako kung sino ang pupwede kong napagtanungan. "Maraming salamat po," pasalamat ni Mama kay doc at bago niya kami iniwan ay sinabihan na kaming maghanda na upang madala si Papa sa Pampanga sa lalong madaling panahon. Sakay ng ambulansya, hinatid si Papa sa isang pribadong ospital. Lulan kami ng parehong ambulansyang iyong habang si Tito Baste naman ay nakasunod sa amin. Sa GreenCity Medical Center kami dinala sa San Fernando, Pampanga ng sinasakyan naming ambulansiya. Pagdating na pagdating namin ay naghanap agad ako ng palikuran. "Ma, mag-CR lang ako," paalam ko sa Nanay ko habang nakasunod siya kay Papa. "Sige, anak. I-text ko na ang kung saan kami banda para madali mo kaming mahanap." "Sige po," sagot ko at kumaripas na nang takbo. Ang problema lang ay hindi ko saan kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may nasalubong akong janitor at agad itinuro sa akin kung saan ang comfortroom doon. Pagpasok ko ay may nakita akong tao sa loob. Hindi ko na binigyan ng pansin kung sino dahil ihing-ihi na talaga ako. Damang-dama ko ang kaginhawaan nang makaupo na ako sa toilet bowl at nang malapit na akong matapos ay may nadinig akong boses sa labas ng cubicle at mukhang may kausap sa telepono. "I'm inside the ladies' room." "I know, I know it's inappropriate to hide here. Wala akong choice. They are following me." "Yes, please. Tumawag ka ng pulis at sabihan mo ako kapag nasa labas na sila dahil nakakahiya naman na dito pa nila ako sunduin." "Thank you, Elias." Sa boses pa lang ay alam ko ng lalaki ito at ano raw ang sabi? Dito niya naisip magtago? Sira na ba ang ulo niya? Baka naman palabas lang niya na may kausap siya kanina para hindi halata na nagpunta siya rito para maghanap ng babaeng mabibiktima. Aba! Loko 'to! Ako pa ang nasumpungan. Nang matapos ako sa ginawa ay agad akong lumabas para harapin siya ngunit hindi pa ako tuluyang nakalalabas sa cubicle agad nang may humila sa akin papasok sa isa pang cubicle. Gusto kong sumigaw ngunit nagawa niyang takpan ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. Ang laki ng palad niya kumpara sa mukha ko at halos matakpan na niya pati ang ilong ko. Sinubukan kong manlaban sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa akin. Pinilit ko siyang itinulak ngunit hindi sapat ang lakas ko kumpara sa lakas ng mga braso nito. Naiiyak na ako pero pursigido akong makawala. "Stop fighting, please. I'm not going to hurt you," nadinig kong bulong nito. Bakas ang takot sa boses niya na labis kong ipinagtaka. Hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang matakot gayong ako nga dapat ang makaramdam niyon dahil ayaw niya akong bitawan. "Thank you. I will let you go if I you can assure me na hindi ka sisigaw," malumanay nitong sabi. Napaka-soft ng boses niya para sa isang lalaki pero ayaw kumalma ng utak ko na baka niloloko lang ako nito. Muli akong pumalag. Sinubukan ko siyang patamaan ng matulis kong siko sa tagiliran pero mabilis ang isang kamay niya at nagawa niya iyong harangan. "Please, lady. I'm not here to hu—" Pareho kaming natigilan dahil biglang may nagbukas ng kabilang cubicle nang pabalibag. "Wala rito!" sigaw ng isang lalaki. "Tingnan n'yo lahat!" pasigaw na utos ng isa pang lalaki na mukhang malayo-layo ang kinatatayuan. "Sh*t." Nadinig kong mura ng lalaking ayaw akong bitawan. "We need to do something before they found us here," bulong nito sa akin. Nadamay pa ako sa kung ano'ng tinatakbuhan ng estranghero. Mukhang galit ang mga lalaki sa labas na pinagtataguan niya. Biglang sumagi sa isip ko na baka may mga b***l ang mga ito. Kapag nakita kami sa loob tiyak na ako ang unang pupuntiryahin nila dahil nasa likod ko siya. "I will let you go. Please scream at them para umalis na sila. Sabihin mong tumawag ka ng pulis," pakiusap nito sa akin. Nanginginig ang boses niya. Kahit ang palad niyang nakatakip sa bibig ko ay napakalamig. Sino ba ang taong ito? Bakit nila siya hinahanap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD