Mabilis na tumatakbo ang oras, ganon ba talaga? Pagkasama mo ang mahal mo, sobrang bilis ng oras. Araw, linggo, buwan. Hindi ko nga alam kung bakit sa bawat araw na dumadaan nagiging matatakutin na naman ako. Dahil siguro muli nag paramdam si daddy ng kakaiba? Hindi ko alam. Tapos ngayon pinoproblema namin ang kakaiyak ni Rhaine sa tabi namin dahil sa nangyare kay Alley Sai. Hindi ko maiwasan humanga sa sobrang tapang n'ya, hindi sya umiyak sa harapan namin. Hindi s'ya umiyak sa harapan ng mga estudyante dahil sa nalaman nyang isang laro lang ang lahat. Hindi ko miwasan humanga. Kayang kaya nya ipaglaban ang sarili nya kahit walang kapit, kaya nya ipagtanggol sa sarili nya pag-naapi sya. Alam namin mahal nya si Raj, hindi man nya ipakita alam kong mahal nya. Kinausap ko sila Anisa na b