Masayang masaya kaming lahat na umuuwi sa mansyon ng Alvarez. Lahat kami ay bagsak na bagsak dahil sa pagod, pwera lang ako. Isang linggo kami nag stay pero ang apat na araw ko ay nagkaroon ako kaya naman pinili ko na lang manood sa mga ginagawa nila at minsan naman ay matutulog ako buong maghapon. Masayang masaya akong umuuwi dahil hindi naman ako pagod, ewan ko ba. Basta masaya ako. Sinundo din naman agad kami ni daddy ng bandang hapon at don natulog sa bahay. Maayos na kami ni Saimon dahil noong gabing inaway ko sya ay kinabukasan ay may malaking cake na nakahanda sa'kin. Don pa lang ay maayos na kaming dalawa, hindi sya lumalayo sa'kin at hindi nya pinapansin ang mga babaeng nagtatangkang lumandi sa kanya. Panay ang set na nangyare sa amin pero hindi kami pinayagan. Kaya naman panay