Kahit anong gawin ko ay nahihirapan akong sumagot pag talaga tungkol sa relasyon namin ni Saimon ang pinag-uusapan, kung paano ba 'to aaminin kay daddy. Dahil alam ko once na malaman ni daddy ay wala na. Sigurado akong sa huli ay papamiliin ako ni daddy kung sino ba sa kanilang dalawa o hindi man ay paglayuin kami at hatakin na lang ako ni daddy palayo sa kanilang lahat na pinaka ayoko mang yare. "Should i push him away?" bigla 'yon lumabas sa bibig ko. "W-WHAT? No!" huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya. "Anong dapat ko gawin?" huminga sya ng malalim dahil sa tanong ko at tumingin sa kisame. "Kahit ako walang alam d'yan. Wala naman kasi umaantabay sa akin kundi si mama at papa lang. Nakasuporta lang sya, walang pumipigil sa gusto kong gawin, kahit nga ata benta ko katawan k