Hindi ko alam kung san magsisimula, hindi ko alam kung paano magsisimula. Sa dalawang araw ni Mommy dito ay pinakita ko na ayos lang ako, na nakangiti ako habang kasama s'ya, na para bang hindi nasasaktan. Pinilit kong wag umiyak, pinilit kong maging matatag sa harapan nya para maiwanan nya na ko dito at nagtagumpay naman ako. Tumutulo ang luha ko ng pumasok ako sa kwarto at don humagulgol. Ngayon ko inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, ang bawat salita ni Saimon na paulit ulit kong naririnig, ang kanyang muka na nasasaktan na paulit ulit kong naiisip. I don't deserve him. His love for me was unconditional, pero ang pagmamahal ko ay iba sa kanya. He can give up everything like my dad for his girl, they are same. Pero hindi ko lang talaga kaya saktan ang daddy ko. Kung sana la