Mabilis kong binagsak ang katawan ko sa kama at dahan dahan pumikit. Kauuwi ko lang galing sementeryo kung san nilibing si Lolo. Kahit papano naman ay nakakaya ko na dahil nandyan sila Saimon at hindi ako iniiwan, pinapayagan nila akong pumunta ng Alvarez at kahit si daddy ay sya pa nag-sa-suggest ng gusto kong gawin. Nandon pa rin ang lungkot, madalas umiiyak ako, madalas naman natutulala ako sa sobrang sakit at hirap. Minsan sa umaga tumatakbo ako kay Mommy para tawagin si Lolo pero wala na. Wala na ang lolo ko. Madalas din nandito ang daddy ni Daddy at kinakausap ako. Sinasabi nya na nandito pa sya at mahal na mahal ako. Sa ginagawa din ni Lolo ay natutuwa ako. Sinasamahan nya kami ni Lander kung san san. Kami ni Lander ang pinakanaapektuhan sa pagkawala ni Lolo kaya naman na sa anin