Nanginginig ang braso ko habang buhat buhat ang dalawang buwan na anak ni Raj at Sai. Hindi ko maiwasan matuwa habang buhat buhat ko to sa aking mga bisig. Ang sarap sa pakiramdam, sobrang sarap. Kahit hindi pa maayos ang dalawa ay wala naman kami naririnig na iba. Civil sila sa isa't isa na para bang walang pakielam si Sai kay Raj, pero si Raj sobrang maalaga dito. Umupo ako sa sofa at pinalandas ko ang isang daliri ko sa pisnge nito. "Ren Ren..." malambing na tawag ko. Gumalaw ang braso nito at para bang gustong gusto nya ang boses. "Ang gwapo gwapo mo." natutuwang sabi ko habang buhat buhat ko 'to. "Mas gwapo pag nagkaroon tayo." napatingin ako kay Saimon na nakangiti habang suot suot pa rin ang Uniform dahil kakauwi lang nito galing sa University. Maaga lang kami pinalabas at dah