CHAPTER THREE

1960 Words
ARROGANT STRANGER XYRELLE GRACE VERNAULA ILANG minuto na siyang nakapikit ngunit hindi pa rin umaandar ang bus, marahil naghihintay pa ng ibang pasahero. Mabilis na iminulat niya ang mga mata nang maamoy ang sa pamilyar na bango na pumasok sa kanyang ilong. Lalaking-lalaki iyon ngunit hindi masakit sa ilong. It's like she's hypnotized by the scent. Siguro siyang naamoy niya na kung saan. Napatingin si Xyrelle sa bintana saka pilit na inaalala kung bakit pamilyar sa kanya ang bangong iyon. Yes, tama! Amoy iyon ng lalaking nagligtas sa kanya kagabi mula sa dalawang masasamang loob. Susundan niya na sana kung saan nagmumula ang amoy nang mabaling ang atensyon niya sa lalaking biglang nagsalita. "No f*****g flights." Inis ngunit mahinang sambit ng kung sino, pamilyar din sa kanya ang lalaking-lalaking tinig na iyon. Pasimple niyang binaling ang tingin sa pinanggalingan ng tinig at nakita ang lalaking nakatayo sa tapat ng upuan niya, inilalagay nito sa taas ang bag na dala. Sa binata rin nagmumula ang mabango at pamilyar na amoy. Malayang iginala ng dalaga ang kanyang mga mata sa kabuuan nito. Maganda ang pangangatawan nito at kahit na nakasuot ito ng long sleeves ay alam niyang may abs ito. Gaya rin ng mga sundalo sa ibang bansa ang hubog ng mga mapipintog nitong biceps. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito at daliri, malinis ang mga iyon, isa sa mga nakakaatract sa kanya. 'Turn on,' wika ng isang parte ng kanyang isip. Patuloy na naglandas pa ang tingin niya sa katawan nito, pabababa nang pabababa hanggang sa... 'No! Don't go there,' saway niya sa sarili saka mabilis ngunit pasimpleng inangat ang tingin papunta sa mukha nito. Kung kanina ay malaya niyang napagmasdan ang katawan nito ngayon naman ay pahirapan siyang makita ang mukha nito dahil gaya niya ay nakasuot din ito ng sumbrero, mask at salamin. "Hindi pala ako binilhan ng ticket ng gagong 'yun." Muli ay sabi nito sa naiinis na tono bago padaskol na umupo sa tabi niya. Sumuot sa kanyang ilong ang pamilyar nitong amoy kaya't hindi niya napigilan ang mabilis na paglingon sa gawi nito nang saktong nagtanggal ito ng salamin. Kitang-kita niya ang makapal na kilay nitong lalaking-lalaki ang dating, mapilantik na mga pilik-mata at ang brown at mapupungay nitong mga mata. Mata pa lang ang nakikita niya pero gwapong-gwapo na siya sa binatang katabi kaya hindi niya namalayang nakatitig na pala siya rito. The man suddenly look at her direction and she has to hold her breath when their eyes met. Sandaling nag-panic ang buong sistema niya bago iyon tuluyang nag-shut down at mablangko siya. Hindi niya alam ang gagawin kaya't ginawa niya na lang ang una at tanging naisip niya para hindi siya nito akusahang nakatitig, at iyon ay ang magpanggap na tulog. Mabilis na sumandal siya sa upuan saka mahinang humilik at umaktong natutulog. "Weird," he said before looking away from her and putting on his headphones. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na siya nito muling tapunan pa ng tingin. 'Ano bang ginagawa mo, Xyrelle? You're running for your life, yet you have the guts to check this guy out?' nakukunsuming saway niya sa sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? Nang magtama ang paningin nila kanina ng binatang katabi ay nakaramdam na naman siya ng kakaiba. Kakaiba gaya nang naramdaman niya sa lalaking may tattoo na nagligtas sa kanya kagabi. Isinandal niya na lamang ang ulo sa nakasarang bintana saka ipinikit ang mga mata, ayaw niya munang bigyang pansin ang sari-saring emosyong lumalabas sa kanyang dibdib. Ang gusto niya ay ipahinga ang isip at katawan dahil magbabago na ang lahat sa buhay niya mula ngayon. "SA mga iihi r'yan, umihi na. Sa mga kakain, kumain na!" malakas na anunsiyo ng kundoktor na mabilis na nagpagising sa kanyang diwa, ngunit hindi niya magawang dumilat. Sobrang sarap ng tulog niya at gusto niya pang mahimbing, humikab siya saka ibinaon pa lalo ang sarili sa matigas ngunit kumportableng bagay na sinasandalan. Hindi niya natatandaan na sobrang kumportable palang matulog sa bus, siguro dahil sa tulong na rin ng malaking unang katabi niya kaya napakasarap ng tulog niya. Mahigpit na niyakap niya iyon at ilang saglit pa ay may matitigas na braso ring pumulupot sa kanya. Agad na kumunot ang noo niya dahil sa pagkalito, hindi lang dahil sa yumakap din ito pabalik sa kanya kundi imbis na malambot na bagay ang mayakap ay matigas at hulmang-hulmang mga pandesal ang nadama ng kanyang palad. Mabilis na napamulagat si Xyrelle saka tinanggal ang brasong nakapulupot sa bagay na iyon. Hindi unan ang katabi niya kundi tao! Unti-unting inangat niya ang ulo upang tignan ang mukha nito at laking gulat niya nang masilayan ang gwapong mukha nito. Saglit na huminto ang paghinga niya dahil sa bilis ng pagkabog ng puso niya ngunit mas naunang magreact ang kanyang bibig. "Aaaah!" eksaheradang tili niya dahil sa gulat at pagkalito saka agad na tinanggal ang braso nito sa kanyang bewang at lumayo sa katawan nito, mabuti na lang at walang tao sa bus kundi mapapahiya siya. "What the f**k, woman? What is your problem?" iritableng tanong nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. "Ikaw! Ikaw manyak ka! Manyak!" akusa niya sa mataas na tinig. Nagdilat ito ng mga mata saka tumingin sa direksyon niya. Her black eyes is gainst his brown ones, tila hinihigop siya ng mga iyon palapit sa binata, papunta sa mundo nito. "What? Ako pa ngayon ang manyak? Ikaw 'tong yumakap sa'kin. Well, I can't blame you, I'm hot as hell," mayabang na sagot nito na mabilis nagpawala sa mga emosyong naramdaman niya para rito kanina. 'TURN OFF!' sigaw ng isip niya habang may hawak pang malaking karatula na ang nakalagay ay "JERK" in capital letters. "Aba't-" marami pa sana siyang sasabihin ngunit naputol iyon nang tumayo na ang lalaki sa pagkakaupo at naglakad. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa makababa saka niya malakas na sinuntok ang sandalan ng upuan nito at nagpakawala ng malakas at naiinis na tunog. Ngayon lang siya nakaencounter ng ganitong tao, akala niya'y sa pelikula at mga libro lang nag-eexist ang ganoon kahambog, kaantipatiko at kaarogante mayroon din pala sa totoong buhay. Nagngingitngit pa siya sa galit at sobrang inis nang malakas na kumalam ang kanyang tiyan. Gutom na siya, hindi nga pala siya nakapaghapunan kagabi at hanggang ngayon na mataas na ang araw ay wala pa siyang kinakain kaya't napagpasyahan niyang bumaba na rin ng bus. Agad siyang pumasok sa kainan at bumili ng pagkain, gutom na gutom siya at wala siyang ni katiting na paki kung napakadami ng naorder niya. Inilibot ng dalaga ang tingin sa buong lugar, okupado na ang lahat ng mesa at ang tanging bakanteng upuan na lang ay ang upuan sa tapat ni Mr. Arogante. "Ang malas naman," bulong niya saka lalagpasan sana ang mesa nito nang bigla itong magsalita. "You can sit here, I already forgave you for hugging me earlier." Agad na napalingon siya sa binata at nagningas na naman ang nagngingitngit niyang galit para rito. Hindi ito nakatingin sa kanya dahil abala ito sa pagpindot sa cellphone. Gutom na siya at hindi siya nakikipagbiruan kapag nagugutom siya, baka ito ang kainin niya sa sobrang inis. 'Uy ang naughty!' kantyaw ng isip niya na ikinasingkit lalo ng kanyang mata. Ibang 'kain' ang ibig niyang sabihin d'un hindi 'yung ah basta! Kahit masarap at gwapo ang binatang nasa harap niya ay hindi siya magpapadala dahil napakahambog at arogante nito. Umismid siya bago muling humakbang ngunit muli rin itong nagsalita. "Come on now, sit." Nilingon niyang muli ang binata na sa pagkakataong ito at nakatingin na sa kanya ng matiim. She, again, has to hold her breath because of the face that welcomed her. Kung sa gwapong mga mata nito kanina ay nakaramdam na siya ng kakaiba, mas dumoble iyon ngayong napagmasdan niya ang mukha nito. Every part of him screams the word 'drop dead gorgeous' which she can totally agree on. "Can't get your tongue?" he asked while grinning. Hindi niya namalayang natulala siyang muli rito. She mentally slapped herself because of the embarrassment she's feeling before quickly taking a seat. "Akala ko ayaw mong maupo kasama ako e," bulong nito ngunit hindi iyon nakalampas sa pandinig niya. "Kung may ibang upuan lang hindi ako uupo rito, arogante," she replied before rolling her eyeballs, which he didn't see because she's still wearing her sunglasses. Mahina itong natawa saka iiling-iling na hinubad ang jacket na suot, lumantad sa kanyang mga mata ang matitigas nitong braso na napalilibutan ng tattoo na mas lalong nagpabrusko ng dating nito. Mabilis siyang yumuko upang hindi na naman masilaw sa maganda nitong katawan bago ibaba ang mask na suot. Kakain na lang siya, she's famished. She forced herself not to look on his direction, she focused on the foods she bought then takes a few bite. Xyrelle can't help but silently moan and close her eyes the moment the food touches her taste buds. "Mukhang masarap," sambit ng lalaking nasa tapat na agad ikinamulat ng kanyang mata. Matiim itong nakatingin sa kanya bago umangat ang isang kamay patungo sa gilid ng kanyang labi at may kung anong punasin doon. Mabilis nitong binawi ang kamay at inilagay sa bibig ang daliring ginamit upang punasan ang gilid ng kanyang labi. Napasinghap siya at nanlaki ang singkit niyang mga mata dahil sa inakto nito, what he did takes her by surprise. "Masarap nga," he said before smirking and winking at her. Mabilis na umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang mukha at sigurado siyang pulang-pula ang mga pisngi niya ngayon. "Manyak!" she exclaimed making him laugh. Gaya sa mga pelikulang napapanood niya tila tumigil ang pag-inog ng mundo at lahat ng tao sa paligid ay bumagal ang paggalaw, tanging sila lang ang mahalaga, tanging sa kanila lang nakatuon ang lahat at tanging pagtawa lang nito ang naririnig niya. Napakasarap sa pandinig ang malakas ngunit lalaking-lalaking pagtawa nito at napakagwapo rin nitong pagmasdan. 'Anong nangyayari sa'kin?!' sigaw niya sa isip na para bang nakakulong siya sa isang magandang panaginip. Malakas at mabilis ang pagtibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Akala niya'y naturn off na siya nang tuluyan sa binata pero isang tawa lang nito ay nadala na naman siya. Certified marupok sa isang estrangherong arogante. "Hey Ms. Pervert? Ms. Pervert are you there? Hey," sambit nito na ikinakaway ang kamay sa tapat ng kanyang mukha. Napakurap-kurap siya nang tuluyang matauhan, hindi niya namalayang nakatunganga na naman siya rito. Tumikhim siya bago magtaas ng isang kilay. "Bakit?" mataray na tanong niya. "Done admiring the view?" mayabang at nang-aasar na tanong nito. "What view? Parang wala naman akong nakikitang magandang view dito lalo na kasi nasa harap kita," masungit na bwelta niya bago ibaba ang tingin sa kinakain at sumubo ng ilang beses. 'Don't look at him. Don't look at him. Don't look at him.' paulit-ulit na sambit niya sa isip dahil alam niyang oras na magtama na naman ang kanilang paningin ay matutulala na naman siya. Hindi iyon tama dahil hindi niya pwedeng maramdaman iyon sa taong hindi niya kilala at isang beses niya lang nakasama. It's a big NO. Mabuti na lang at hindi na nagsalita pang muli ang binata kaya naipagpatuloy niya nang matiwasay ang pagkain. She's down to her last bite when he suddenly speak. "Wow, you have a big appetite," sambit nito na hindi niya alam kung insulto o puri. Naiinis na nag-angat siya ng tingin dito at humigpit ang hawak sa mga kubyertos na gamit, nawala na namang muli ang paghanga niya rito. Why did he keep ruining her infatuation towards him? "And what do you mean by that?" tanong niya sa inis na tono. "I like that," maikling sagot nito bago tumayo at iwan siyang tigalgal habang hawak ang dibdib na malakas ang kabog dahil sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD