DANGER XYRELLE GRACE VERNAULA "Ang haba ng hair mong bruha ka," sambit ni Divine na nakaupo sa tabi ni Hexelian at nakapulupot ang mga braso sa binata. Inihahanda nilang dalawa ni Elixir ang pagkain sa hapag katulong sina Marde at Eunice. Hindi niya na sinagot pa ang pang-aalaska nito dahil totoo namang mahaba ang buhok niya, in a literal and figurative way. "Tayo, Hexel, kailan magpapakasal?" tanong nitong bumaling sa binata na sinagot lang ito ng ngiti lang at mahinang natawa. "I'm sorry, Denver. I'm into women, but I genuinely hope that you'll find someone that deserves someone like you. I also have my eyes on someone," sagot ng binata na ikinairap nito sa hangin ngunit nakalingkis pa rin sa braso ng lalaki. Elixir's friends are as kind as he is, kahit mayayaman ang mga ito at muk