"See you at school."
"Okay." Tumango ako habang kinukuha ang gamit ko bago bumaba ng kotse. Nasa tapat na kami ng bahay ni Alwina. Napansin ko rin ang sasakyan ni Wyatt kaya marahil naroon na rin ang iba.
"Babe wag mo kalimutan magsend ng pic mamaya ah."
"Oo nga po. Kulit."
Napag-usapan na kasi namin sa biyahe iyon. Gusto niyang malaman anong susuutin ko sa Acquaintance Party para mabilis na lang daw niya ako hanapin mamaya.
"Ingat ka sa pagdadrive."
"Okay. I will."
Humalik muna siya sa mga labi ko bago ako pinayagan lumabas ng kotse. Mabuti na nga lang at tinted ang sasakyan ni Pierce kaya hindi malalaman kung sino ang nasa loob.
Inantay ko munang umalis ang sasakyan bago ako pumasok ng gate
"Hi guys!" Nadatnan ko sina Alwina at Sophie sa sala na abala sa pag aayos ng isusuot na mask at ang cocktail dress na susuutin.
"Hi Lei." Bati ni Sophie.
"Hi. Tayo tayo pa lang ba? Akala ko nandito na sila parang sasakyan kasi ni Wyatt ang nakita ko sa labas."
"Ah oo nandito na si Wyatt at Brad. Si Luke at Jax papunta pa lang ang mga yun."
"Ganon ba? Uhm anong maitutulong ko pala? Ano na ba ang ginagawa nio?"
"Nilalagay na lang namin ang mga ito sa luggage para mamaya after ng laban niyo ay magpapalit na tayo ng damit. Kahit sa van na lang tayo magbihis mamaya."
"Alwina, itong make up ilalagay ko na rin ba dito sa luggage? Tanong ni Sophie.
"Ay hindi diyan. Dito sa isang bag ko para hindi madumihan incase masira sa biyahe. Ilagay mo na lang pala muna sa sofa. Gagamitin ko pa yan kay Hailey.
"Okay. Sige."
"Teka Hailey, maupo ka muna diyan at aayusan na kita ng buhok."
"Okay. Nasaan nga pala sina Wyatt? May pinuntahan ba?"
"Hindi. Nasa taas nagbibihis at sinusukat narin ang mask na susuutin nila mamaya."
Maya-maya habang inaayusan ako ng buhok ni Sophie at si Alwina naman ay abala sa mukha ko, narinig ko ang mga boses nina Wyatt at Brad.
"Hi Lei."
"Hi." Nakangiting bati ko sa kanilang dalawa. na nasa likuran ko lang. Nakikita ko naman sila sa salamin na nasa harapan ko.
"Ready ka na ba mamaya sa kakantahin natin?" Pabirong tanong ni Brad.
"Haha! Oo naman kayo ang makakasama ko eh."
"Good!"
"Andito na kami." Narinig ko ang boses ni Jax
"Dude ang tagal niyo. May kalahating oras na lang tayo." Saad ni Wyatt.
"May nadaanan kasi kami na aksidente kaya nagkatraffic doon sa my Highway 54 at natagalan makausad." Sagot ni Jax at sabay napatingin sa akin at kumindat. Napangiti na lamang ako sa kanya.
"Isukat niyo na yung mga mask niyo kung sakto lang or masyadong masikip." Sabi naman ni Sophie.
"Okay. Nasaan ba?"
"Tanungin mo sina Brad. Hindi ko alam kung binaba nila." Sagot ni Sophie kay Luke.
"Hi Lei." Bati ni Luke habang pumunta sa sa may lamesa na itinuro ni Brad sa kanya.. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Makalipas ang kalahating oras ay nasa sasakyan na kami lahat papunta ng eskwelahan. Yung van nina Alwina ang sinakyan namin na minamaneho niya habang si Brad kay Wyatt sumabay at si Luke naman ay kay Jax na ginamit ang sasakyan ng kapatid niya.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa eskwelahan at agad na ipinark ang sasakyan.
"Grabe ang ang ganda naman ng ginawa nilang dekorasyon." Manghang sambit ni Sophie.
"Oo nga. Excited na ako. First time ko tong party sa school na to kaya dapat mag-enjoy tayo.!" Sagot ko naman.
Hindi ko mapigilan ang matuwa at mamangha. Mauunang gaganapin ang laban bago mismo ang Acquaintance Party. Sa alas-sais ng hapon mag uumpisa ang party samantalang ang laban ay gaganapin ilang sandali na lang
"Dapat lang tayo mag-enjoy. Once a year lang kaya sulitin natin. Saka goodluck sa laban niyo guys." Sabi naman ni Alwina.
"Thank you." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hailey, tara na.. pumunta na tayo sa may likuran ng stage. May twenty minutes na lang tayo."
"Okay." Sagot ko kay Jax. "So see you later guys." Paalam ko kanila Sophie at Alwina.
Nagsend na ako ng picture ng damit na susuutin ko sa party pati ang maskara kay Pierce kanina. Ngunit hindi ko alam kung nagreply ba siya sa chat ko o hindi pa. Nasa bag ko ang cellphone ko na hawak ni Sophie at hindi ko na naisip tingnan pa dahil magkikita din naman kami dito.
Sa ngayon ang suot ko ay may pagka grunge edgy look na nagmamatch sa suot nila Jax. Nakablack jacket sila. Ako naman ay nakablack skirt above knees, maroon boots, navy blue jacket at black midrib tube. Ang mahabang buhok ko ay ikinulot nila na naka two-toned color. Red sa top at Blonde sa may dulo. Instant hair color ang ginamit nila kaya mawawala din agad. Tatanggalin din namin at ibalik sa orihinal para party mamaya ganoon na rin ang pagkacurl ng buhok ko.
Hawak ko na ang gitara ko habang nakaupo kami sa may likuran bahagi ng stage. Medyo sa may kabilang hagdan kami banda. Dalawa ang hagdan paakyat ng stage at nasa kaliwa kami. Pang-lima kami sa mga lalaban. Anim ang mga kalahok at pumayag naman ang committee na lagpas apat ang sasali ng sa ganoon mas lalong magiging masaya ang mga manonood.
Dahil na rin sa dami ng mga estudyante na nag aabang sa harap ng stage at sa mga pasilyo ay hindi ko pa nakikita sina kuya. Iniwan ko kay Sophie ang cellphone ko kaya hindi ko matext si kuya kung pang ilan sila. Nakikita ko lamang ang ibang mga grupo na sumali din. Katabi namin halos ang iba habang nag-aantay din.
"So guys, this is it.. let's give our best shot later." Sabi ni Luke ng nag-uumpisa ng magsalita ang MC. Hindi naman magkamayaw sa sigawan ang mga studyante habang isinisigaw ang mga pambato nilang banda.
"Alright! Dahil hindi na kayo makapag-aantay umpisahan na natin at tawagin na natin ang unang magpapakitang gilas. Everyone let's give them a round of applause.. The Pretenders!!"
Umakyat na grupo nila at may babae din silang kabanda. Hindi ko alam kung iyon ba ang vocalist nila. Nag-aantay na lamang akong kumanta sila.
My Immortal ng Evanescence ang tinugtog nila at yung babae ang vocalist pala nila. Ang ganda ng boses niya. Nakapikit ako habang pinapakinggan sila.
Lubos ang hiyawan ng mga studyante habang sinisigaw ang pangalan ng banda nila.
Matapos ang kanta nila ay bumaba naman na ulit sila at sumunod ang ibang banda ng tawagin din sila. Ang mga instruments nila ay nakaset-up na rin. Ang kinanta naman ng ikalawa ay Sad But True ng Metallica. Maging ang mga kalahok na kasama namin nag aantay dito sa likod ay nakikijamming narin aa tugtog.
Napagawi ang tingin ko sa may kaliwa ko at napansin ko si Austin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siya na nakatingin pala sa akin.
"Guys, saglit lang ha? Babalik ako." Paalam ko sa kanila at lumapit kay Austin.
"Hi!" Bati ko sa kanya.
"Hi. Kamusta?"
"Okay naman. Sorry nga pala sa nangyari. Hindi na kita nakausap."
"Okay lang yun. Akala ko nga eh galit ka sa akin kaya hindi ka nagrereply sa mga text ko. Pati tawag ko napupunta lagi sa voicemail mo."
Bigla akong naguluhan sa sinabi niya dahil wala ako ni isang natanggap na text o tawag mula sa kanya.
"Ha? Nagtext at tumawag ka ba? Hindi ko natanggap."
"Oo. Maraming beses nga eh. Kinakamusta ka kung okay ka lang ba."
"Paanong--" Napahinto ako sa sasabihin ko ng may bigla akong naisip.
"Uhm baka napunta lang sa spam folder ko kaya ganon. Check ko mamaya. Wala kasi yung phone ko dito."
Pero ang nasa isip ko ngayon ay marahil kagagawan ni Pierce kung bakit hindi ko natatanggap ang mga texts at tawag ni Austin. Hindi pa alam ni Pierce na ex-boyfriend ko si Austin. Mainit na ang dugo niya kay Austin kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ng hindi siya mag-ooverreact.
"Baka nga. Good luck sa laban ah. Pang ilan pala kayo?"
"Panglima kami."
"Ah okay. Good luck Hailey "
"Haha! Salamat."
Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Patuloy pa rin sa pagpeperform ang ikalawang grupo. Lumilinga linga naman ako sa paligid nagbabakasakali na makita ko ang grupo ni kuya. Ilang saglit pa ay natanaw ko si Borg na naglalakad papalit. Hindi niya ako nakita dahil nasa ibang gawi siya nakatingin at sumunod kong natanaw ay si Jordan, si kuya Nigel, Michael at Pierce.
Wow.. ang gwapo ng asawa ko! napanganga ako bahagya ng makita siya. Nabaling ang atensyon ko sa nagsasalita sa stage.
"Ngayon naman ay pakinggan natin ang nagchampion last year. Alamin natin kung magiging champion ba ulit sila ngayon o may papalit na sa kanila. Ladies and gentlemen, pakinggan natin sila! The stage is now yours, Wildberries!!"
Naexcite ako at napangiti ng marinig ko ang banda nina kuya. Pagtingin ko sa kanila ay isa isa na silang umakyat at nagulat ako na nakatingin pala sa akin si Pierce at isang dipa lang ang agwat namin.
Pierce!
Namula ako sa paraan ng pagkatitig niya. Ngumiti at kumindat sa siya akin.
Ang puso ko!
Hindi ko alam kung may nakapansin ba sa ginawa niya ngunit mabilis naman akong napangiti sa ginawa niyang iyon.