Malakas na tilian at hiyawan ang bumabalot sa loob ng restaurant ng tuluyan ng nakatayo sa gitna ng entablado. "Hailey!" "OMG! Hailey!" Iilan lamang ito sa mga naririnig ni Hailey. "Hi guys, namiss ko kayo. Sana namiss niyo rin ako. Hehehe! Anyway, This song is for you." Saad ni Hailey sa mga bisita na nasa kani-kaniyang mga upuan. Ngunit lahat sila ay hindi na nakaupo. Nakatayo ang lahat. Si Alwina at Sophie ay magkayakap na umiiyak habang nakatingin sa entablado. Gustong-gusto nilang lumapit narin doon ngunit pinigilan na lamang ang mga sarili. Tumingin naman si Hailey sa mga kabanda na halatang hindi makapaniwala sa nakikita. Kaya ang pagtugtog ay medyo naiba na. "Hi, guys." Pinipigilan ni Hailey ang maiyak ng makalapit ito sa mga kabanda. "Hailey- Buhay ka!" Bulalas ni Jax na m