"Kamusta si Hailey?" "Nagpapahinga na mommy. Inaapoy ng lagnat kanina pagkatapos sumuka." "Naku baka napaano na yun. Pinainom mo ba ng gamot?" "Yes, mi. Ayaw naman niyang dalhin siya sa ospital. Ininuman na lang niya ng gamot kanina at kakatulog lang din." "Ganoon ba. Pero kung hindi pa rin talaga huhupa ang lagnat niya, dalhin na sa ospital ng macheck ng doctor." "Yes, mi." Pagkatapos kumuha ng tubig ni Pierce ay bumalik na agad ito sa kwarto. Kinabukasan ay maagang nagising si Pierce upang icheck ang kalagayan ng asawa. Napainom na rin niya ito ng gamot sa madaling araw. "Good morning." bati ni Hailey. "Kamusta ang pakiramdam mo?" "Medyo okay na ako?" Kinakapa kapa naman ni Pierce ang noo at leeg ng asawa. "Mainit kana babe. Let's go to the hospital pra macheck ka." "Pierce.