Alas-otso na ng umaga ay hindi parin nagigising si Hailey. Hinayaan na lamang din ni Pierce na matulog muna ang asawa. Agad naman siyang humalik dito bago tumayo at naghanda ng almusal nila. Habang nagtitimpla siya ng kape para kay Hailey ay narinig niya ang sunod sunod na tawag sa cellphone nito. Subalit ilang saglit ay nawala narin ang tunog. Pagkatapos ihanda ang almusal nila ay tumungo na siya ng kwarto upang gisingin ang asawa. "Hi, babe. Gising ka na pala." Naabutan ni Pierce si Hailey na nakasandal na sa may uluhang bahagi ng kama nila habang may tinitingnan sa cellphone. Humalik siya sa mga labi ni Hailey at umupo sa tabi nito. "Morning..." Namamaos na bati ni Hailey. "Ready na ang almusal. Nagtimpla narin ako ng kape pero mukhang kailangan mo ng tsaa. Gagawaan nalang kita.